Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa
Tinatawag ka ng Panginoon upang magtiyaga sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagkatapos, dala-dala ang makapangyarihang biyaya, iniingatan at pinananatili ka Niya.
ito ay isang napakaganda at nakapanghihikayat na pangalan para sa Diyos na iyong pinaglilingkuran, ngunit maaari itong dumaan sa iyong mga mata at sa iyong isipan nang walang paghinto upang ipagdiwang ang kaluwalhatian nito. Sa Mga Taga-Roma 5:5, tinatawag ni Pablo ang iyong Panginoon na "ang Diyos ng pagtitiis." Ang titulong ito ay tunay ngang nasa sentro kung saan ang iyong pag-asa ay matatagpuan. Hayaan mong linawin ko ito sa iyo: ang iyong pag-asa ay hindi matatagpuan sa iyong kahandaan at kakayahang magtiis, kundi sa hindi matitinag at walang maliw na pangako ng Diyos na hindi tatalikod sa Kanyang gawain ng biyaya. Ang iyong pag-asa ay nasa pagtanggap sa iyong pakikipag-isa sa Nag-iisang magtitiis ano man ang mangyari.
Bakit ba napakahalagang maunawaan ito? Dahil ang iyong pinakamainam na pagtitiis ay hindi pa rin ganap. May mga sandaling makakalimutan mo kung sino ka at sa gayon ay mamumuhay ka na parang nakalimutan na ang biyaya. May mga panahong panghihinaan ka ng loob at panandaliang hihinto sa paggawa ng mabuting ninanais ng Diyos na gawin mo. May mga sandali, malalaki at maliliit, na kusang-loob kang magrerebelde. Maaaring iniisip mo, "Hindi ako." Pero mag-isip kang kasama ako— kapag ikaw, bilang Cristiano, ay nagsasabi ng hindi maganda sa isang tao, hindi mo ito ginagawa dahil hindi mo alam na mali ito, kundi dahil sa puntong iyon ay wala kang pakialam kung anong mali.
Alam mo, iyan mismo ang hinihingi ng perpektong pagtitiis, ang pagiging perpekto, at dahil wala isa man sa atin ang narating na iyon, kailangan nating tumingin sa iba para sa pag-asa. Ang iyong pag-asa sa pagtitiis ay hindi matatagpuan sa iyong pagkatao o sa iyong lakas, kundi sa lakas ng Panginoon. Dahil Siya ay laging tapat, maaari kang umasa sa katotohanang ibibigay Niya sa iyo ang kakailanganin mo upang maging tapat din. Ang iyong pagtitiyaga ay nakasalalay sa Kanya, at tinutukoy Niya kung ano talaga ang pagtitiis! Ang biyaya ng pagtitiis na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ng pagtitiis ang nagbibigay sa iyo ng lahat ng kailangan mo upang makapagpatuloy sa bagay kung saan tinawag ka ng Diyos na maging at gawin ang pagkakatawag Niya sa iyo ngayon hanggang sa kabilang buhay. Kapag nailalantad ng paghihirap ang kahinaan ng iyong paninindigan at ang hangganan ng iyong lakas, hindi mo kailangang matakot, dahil magtitiis Siya kahit sa mga sandaling nararamdaman mong hindi mo kayang gawin ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
More