Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 1 NG 15

Ito ang mahalagang tandaan. Ang buhay ng Cristiano, ang simbahan, ang ating pananampalataya ay hindi tungkol sa atin, ito ay tungkol sa Kanya— sa Kanyang mga plano, sa Kanyang kaharian , at sa Kanyang kaluwalhatian.

Ito ang tunay na pakikibaka sa mga pakikibaka. Ito ay salungat sa karaniwang inaasahan nating lahat. Ito ang nagpapagulo ng ating buhay at nagpapagulo ng mga relasyon natin. Ito ang gumagambala sa ating mga iniisip at kumukuha ng ating mga naisin. Ito ang bagay na nasa ilalim ng lahat ng mga bagay na maaari mong ituro upang pangatwiranan ang ating pangangailangan sa biyaya. Ito ang isang laban na hindi mo kayang takasan. Ito ang lugar kung saan sampu sa sampung tao ay nangangailangan ng pagliligtas. Ito ang laban na inako ng Panginoon para sa atin upang tulungan tayong maalala na ang buhay ay hindi tungkol lamang sa atin. Ito ay tungkol sa Panginoon— sa Kanyang mga plano, at sa Kanyang kapurihan.

Ito mismo ang dahilan kung bakit ang unang apat na salita sa Biblia ay maaring siyang pinakamahalagang salita nito: "Nang pasimula, ang Diyos. . .". Ito ang apat na pinakamahalagang salita. Tunay ngang binabago nito ang lahat, mula sa iyong pamamaraan ng pag-iisip ng tungkol sa iyong pagkakakilanlan, kahalagahan, at layunin na kung saan iyong nilalapitan ang hindi sinasadyang mga gawain ng tao. Lahat ng bagay na nilikha ay ginawa ng Panginoon at para sa Panginoon. Lahat ng kapurihan ay dinisenyo upang maipakita ang kanyang kaluwalhatian. Ang sansinukob ay sa Diyos, dinisenyo ayon sa Kanyang layunin at plano. Doon ay kasama ikaw at ako. Hindi tayo nilikha upang mamuhay nang nagsasarili, gumagawa ng mga sariling plano sa buhay. Hindi tayo nabuhay ayon sa ating mga sariling kagustuhan, o namumuhay para sa ating mga sariling kaluwalhatian. Hindi, tayo ay nilikha para sa Kanya. 

Saan natin maaaring ipakita ang ating pamumuhay bilang maka-Diyos? Ito ay hindi lamang ipinapapakita sa ating relihiyosong pamumuhay, kung hindi sa bawat aspeto ng ating pagiging tao. Gustung-gusto ko kung paanong nakuha ito ni Pablo sa 1 Mga Taga-Corinto 10:31: "Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos." Nang iniisip ni Pablo ang pagkakatawag na mamuhay para sa ikararangal ng Panginoon, hindi siya nagsimulang mag-isip ng malaki, nakapagpapabago ng buhay, at espirituwal na sandali ng kanyang buhay. Hindi, ang iniisip niya ay mga bagay na walang kabuluhan at paulit-ulit na ginagawa tulad ng pagkain at pag-inom. Maging ang hindi gaanong mahalagang bagay na aking ginagawa sa buhay ay nararapat na hinuhubog at nakatuon sa taos-pusong hangarin na maluwalhati ang Diyos. Ngayon, hindi ko alam sa iyo, ngunit sa pagiging abala natin sa buhay ay nawawala ang aking paningin sa pagkakaroon ng Diyos, at lalo na sa Kanyang kaluwalhatian!

Simulan natin ang bagong taon sa pamamagitan ng pag-amin na wala nang mas hindi likas sa atin kaysa sa pamumuhay para sa kaluwalhatian ng iba. Ang pag-aming ito ang daan hindi para mawalan ng pag-asa, kundi upang magkaroon ng pag-asa. Batid ng Diyos na dahil sa iyong kasalanan ay hindi ka kailanman makakapamuhay sa ganitong paraan, kaya ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang Siyang mabuhay ng buhay na hindi mo kayang ipamuhay, mamatay para sa iyo, at muling mabuhay, mapagtagumpayan ang kasalanan at kamatayan. Ginawa Niya ito upang hindi ka lamang mapatawad sa iyong pagtataguyod sa sarili mong kaluwahatian, kundi upang magkaroon ka ng lahat ng biyayang kailangan mo upang mabuhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Kapag iyong inamin na kailangan mo ng tulong, iniuugnay mo ang iyong sarili sa pagsagip na inilaan na Niya sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus. Abutin ang pag-asang ito sa pamamagitan ng muling pag-abot sa tulong Niya para sa atin ngayon.

Learn more about New Morning Mercies: A Daily Gospel Devotional by Paul David Trip

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/