Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 8 NG 15

Tinatawag ka ng Diyos upang manalig at pagkatapos ay kumikilos Siya nang may buong lakas upang hubugin ka na maging isang tao na tunay na nabubuhay sa pananampalataya.

Hindi ko alam kung gaano mo na ito napagnilayan, ngunit ang pananampalataya ay hindi likas para sa iyo at sa akin. Likas sa atin ang pagdududa. Likas sa atin ang takot. Likas sa atin na mamuhay ayon sa lahat ng mga naranasan natin. Bago matulog o pagkagising, likas sa atin na isiksik sa ating isip ang mga personal na alalahanin. Likas sa atin na mabuhay ayon sa sariling pag-iisip at nadarama. Likas sa atin na mainggit sa buhay ng iba at magtaka kung bakit hindi ito ang naging buhay natin. Likas sa atin na naisin na maging higit na makapangyarihan sa ibang tao, sitwasyon at lugar. Likas sa atin na gawin ang lahat upang magkaroon ng kontrol upang sa gayon ay makuha ang ano mang bagay na sa tingin mo ay kailangan mo. Likas sa atin na hanapin ang kapayapaan sa mga bagay dito sa mundo na matatagpuan mo lang sa Diyos. Likas sa atin na naisin na mabago ang mga bagay na wala tayong kakayahang baguhin. Likas sa atin na tanggapin ang kawalan ng pag-asa, panghihina ng loob, kalungkutan, kapighatian. Likas sa atin na pawiin ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagiging abala, materyal na bagay, media, pagkain, at mga droga. Likas sa atin na ibaba ang ating pamantayan upang tugunan ang ating mga pagkabigo. Ngunit ang pananampalataya ay talagang hindi likas sa atin.

Kaya naman, sa Kanyang kabutihan, pinagkakalooban Niya tayo ng pananampalataya. Katulad ng sinabi ni Pablo sa Mga Taga-Efeso 2:8, ang pananampalataya ay tunay na regalo mula sa Diyos. Walang kahit ano mang makakapag-ayos sa taong pangkaraniwan at nasira na ng kasalanan kundi ang pananampalataya sa Diyos. Oo, maaari nating ilagay ang pananampalataya natin sa maraming bagay, pero hindi sa Diyos na hindi natin nakikita o naririnig, na gumagawa ng mga pangakong sobrang laki na tila imposibleng maganap. Una, binibigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihang manampalataya, ngunit hindi Siya humihinto dito. Sa Kanyang kabutihan, kumikilos Siya sa mga pang araw-araw na sitwasyon, lugar, at mga relasyon sa ating buhay upang gumawa, pukpukin, ikurba, at hubugin tayo na maging mga tao na namumuhay ayon sa radikal na pananalig na tunay ngang may Diyos at talagang nagbibigay siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa Kanya (Heb.11:6). 

Sa susunod na kaharapin mo ang hindi inaasahan, isang mahirap na sandali na hindi mo talaga nais maranasan, alalahanin mo na ang pagkakataong ito ay hindi nagpapakita ng isang Diyos na nakalimot sa iyo, kundi isang Diyos na malapit at gumagawa ng isang napakabuting bagay sa iyo. Inililigtas ka Niya sa pag-iisip na maaari kang mabuhay na umaasa sa hindi sapat na karunungan mo, karanasan, katuwiran, at kalakasan; at binabago ka Niya patungo sa isang tao na namumuhay ayon sa isang radikal na pananampalatayang nakasentro sa Diyos. Siya ang tunay na manlilikha, at tayo ang kanyang luwad.Hindi Niya tayo tatanggalin sa kanyang panghulma hanggang ang Kanyang mga kamay ay naihugis na tayo bilang mga taong nananampalataya at hindi nagdududa.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/