Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 13 NG 15

Oo, totoo ito—mananatiling tapat ang Diyos kahit na ikaw ay hindi, sapagkat ang katapatan ng Diyos ay nakasalalay sa kung sino Siya, hindi sa kung anong ginagawa mo.

Sa Ikalawang Timoteo 2:13 ay sinasabi: "Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.” Ang bersikulong ito ay naglalarawan ng kakaibang paraan ng pamumuhay, isang pamumuhay na hindi likas para sa marami sa atin. Marami sa mga tao ay napapaniwala sa isang pananaw sa buhay na inilalarawan sa pamamagitan ng pagsasabing "ang buhay ay nasa iyong balikat," "ikaw ang bubuo o wawasak sa iyong buhay," "magbayad ka at pumili ka," o "wala kang maaaring sisihin kundi ang sarili mo". Sa ganitong pananaw, ikaw ang panginoon ng iyong kapalaran. Wala kang maaasahan kundi ang iyong damdamin, ang iyong lakas, ang karunungang naipon mo sa maraming mga taon, ang kakayahan mong mahulaan kung anong susunod, ang iyong pagkatao at maturidad, at ang mga likas na kaloob na ibinigay sa iyo. Ito ay isang nakakatakot na "ikaw laban sa mundo" na paraan ng pamumuhay. 

Ngunit ang iyong pagsama sa pamilya ng Diyos ay nagpabaligtad sa lahat ng ito. Hindi lamang pinatawad ng Diyos ang iyong kasalanan at ginarantiyahan ka ng lugar sa walang hanggan, kundi sinalubong ka Niya sa ibang-iba at bagong paraan ng pamumuhay. Ang bagong paraan ng pamumuhay na ito ay hindi tungkol sa pagpapasailalim sa pamantayan ng moralidad ng Diyos. Hindi, ito ay tungkol sa ipinangako Niyang magiging tapat sa iyo magpakailanman, pagsisiwalat ng Kanyang karunungan, kapangyarihan, at biyaya para sa iyong walang hanggang kabutihan. Isipin mo ito. Ang Nag-iisang lumikha at namamahala sa mundo, ang Nag-iisang ganap na kahulugan ng pagiging mapagmahal, totoo, at mabuti, at ang Nag-iisang may kapangyarihang tumalo sa kasalanan ay pinili, dahil sa Kanyang biyaya, na yakapin ka ng Kanyang tapat na pagmamahal at proteksyon, at hindi ka Niya pakakawalan.

Maaari mo nang tanggalin sa iyong mga balikat ang buhay mo sapagkat inilagay na ito ng Diyos sa Kanya. Hindi ibig sabihin nitong hindi na mahalaga kung paano kang mamumuhay, kundi ang ibig sabihin nito ay ang kasiguruhan mo ay hindi matatagpuan sa iyong katapatan, kundi sa katapatan Niya. Mapagkakatiwalaan Siya kahit na ikaw ay hindi. Siya ay magiging tapat at mabuti kahit na ikaw ay hindi. Gagawin Niya ang tama at ang pinakamainam kahit na hindi mo ito gagawin. At Siya ay tapat na magpapatawad sa iyo kapag ang nagpapatunay na biyaya ay inihayag kung gaano ka hindi naging tapat.

Sa halip na bigyan ka ng kalayaang gawin ang kahit ano, ang katotohanang ito ay dapat na nagbibigay sa iyo ng paggaganyak na magpatuloy. Tinatawag ka ng Kanyang biyayang mamuhunan sa isang bagay na hindi kailanman magkukulang, at ang isang bagay na iyon ay ang katapatan ng iyong Panginoon.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/