Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 14 NG 15

Huwag kang panghinaan ng loob ngayong araw na ito. Maaari mo nang iwan ang iyong mga "ano kaya" at "kung sana" sa mga kamay ng Nag-iisang nagmamahal sa iyo at namamahala sa lahat ng bagay.

Kahit na ikaw ay isang taong may pananampalataya at may natamo nang ilang antas ng karunungan patungkol sa Biblia at kaalaman tungkol sa Diyos, may isang bagay na tiyak—lilituhin ka ng Diyos. Ang iyong teolohiya ay magbibigay lamang sa iyo ng kakaunting kakayahan upang maipaliwanag ang iyong karanasan. Ang mga kautusan, mga prinsipyo, at ang mga pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay limitado lamang ang maibibigay pagdating sa iyong pakikipagsapalaran upang maunawaan ang buhay. May mga sandaling hindi mo kayang unawain kung ano ang nangyayari. Ang totoo, may mga sandaling ang Diyos na nagpahayag na Siya ay mabuti ay magdadala ng tila baga hindi maganda sa iyong buhay. Maaari pa nga itong masama, napakasama. 

Ngayon, kung ang iyong pananampalataya ay nakasalalay sa iyong kakayahang lubos na maunawaan ang iyong nakaraan, ang iyong kasalukuyan, at ang iyong hinaharap, ang mga sandali ng iyong kalituhan ay magiging sandali ng nanghihinang pananampalataya. Ngunit ang totoo ay hindi dalawa lamang ang iyong pagpipilian—ang unawain ang lahat ng bagay at mamahingang may kapayapaan o magkaroon ng kaunting kaunawaan at magdusa sa pagkabalisa. May pangatlong pamamaraan pa. Ito ay ang pamamaraan ng tunay na pananampalatayang biblikal. Sinasabi ng Biblia na ang tunay na kapayapaan ay matatagpuan sa pamamahinga sa karunungan ng Nag-iisang siyang may hawak sa lahat ng iyong "ano kaya" at "kung sana" sa Kanyang mapagmahal na kamay. Kuhang-kuha ito ni Isaias sa kanyang mga salitang nagbibigay ng kapanatagan: "Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala" (Isa. 26:3). 

Ang totoo, matatag at pangmatagalang kapayapaan, ang kapayapaang hindi bumabangon at bumabagsak kasabay ng mga pangyayari, ay hindi matatagpuan sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng iyong buhay hanggang sa maunawaan mo ang lahat ng mga sangkap nito. Hindi mo mauunawaang lahat ito dahil ang Diyos, para sa iyong kabutihan at sa Kanyang kaluwalhatian, ay hinahayaang mabalot ng misteryo ang ilang bahagi nito. Kaya't ang kapayapaan ay matatagpuan lamang sa pagtitiwala, pagtitiwala sa Nag-iisang may maingat na pamamahala sa lahat ng bagay na maaaring magnakaw ng iyong kapayapaan. Batid Niya, nauunawaan Niya, hawak Niya ang mga bagay na tila nagkakagulo, hindi Siya nagugulat, hindi Siya nalilito, hindi Siya nag-aalala o nawawalan ng tulog, hindi Niya iniiwan ang trabaho para magpahinga, hindi Siya maaaring maging lubhang abala sa isang bagay na mapapabayaan na Niya ang iba, at wala Siyang itinatangi. 

Kailangang paulit-ulit mong paalalahanan ang iyong sarili sa Kanyang matalino at mapagmahal na pamamahala, hindi dahil ito ang magbibigay ng kagyat na kahulugan sa iyong buhay, kundi dahil ito ang magbibigay sa iyo ng kapahingahan at kapayapaan sa mga sandaling kinakaharap ng bawat isa sa atin sa ilang panahon ng ating buhay—kapag tila hindi mo maunawaan ang buhay. 

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/