Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 7 NG 15

Kailangan mo ito sa araw araw. Ikaw at ako ay hindi basta mabubuhay kung wala ito. Ano ba ito? Ito ay ang paninirahan ng presensiya ng Espiritu Santo.

Hindi ko alam kung nasaan ako nang lumabas ang impormal na komunikasyon. Hindi ako sigurado kung bakit ko nakaligtaan ang talakayan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit mayroon akong nakakalungkot na agwat sa pagkakaintindi ko ng Ebanghelyo. Hindi ko masabi kung bakit itong bagay na ito ay nawawala sa aking balangkas ng teolohiko, pero ito ay nawawala, at ang katotohanang ito ay nawawala ay nagbigay ng kalungkutan sa aking buhay Cristiano.

Narito ang kakayahang teolohiya ng buhay ko bilang anak ng Diyos: alam ko na dahil sa pagpapala, ako ay nabigyan ng pagpapatawad ng Diyos at alam ko na ako ay pinagpala ng isang panlahatang pahintulot patungo sa walang hanggan, subalit inakala kong sa pagitan ng ngayon at sa mga susunod, ang trabaho ko ay magpatuloy na lamang. Responsibilidad ko na kilalanin ang kasalanan, putulin ito sa aking buhay, at mamuhay sa mas maganda at mas biblikal na pamamaraan. Sinubukan ko ito, magtiwala ka sa akin; sinubukan ko at nalaman kong hindi siya magagawa. Lagi akong pumapalpak. Mukhang mas marami akong beses na nabigo kaysa sa nagtagumpay. Lalo akong naging dismayado at pinanghinaan ng loob. Ang pakiramdam ko ay isinali ako sa isang laro na wala akong kakayahang maglaro, ng isang tao na laging nagpapanatili ng perpektong marka. Natatandaan ko pa ang sandali noong nasa kolehiyo ako nang ang lahat ng ito ay muntik ng sumabog. Ala-sais ng umaga noon, habang ako ay nagkakaroon ng debosyon na ayaw ko naman talagang gawin, nang sa wakas ay inilagay ko ang ulo ko sa lamesa at sumigaw, "Hindi ko kaya ang hinihingi mong gawin ko!" Pagkatapos ay binasa ko ang sunod na kabanata sa araw-araw na pagbabasa ng Biblia, at sa biyaya ng Diyos, ito ay mula sa Mga Taga-Roma 8.

Binasa ko ang kabanatang iyon nang paulit-ulit, kasama itong mga salitang ito: "Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo" (v. 13). Para silang mga paputok na sumabog sa ulo ko. Batid ng Diyos na ang pangangailangan ko bilang makasalanan ay napakalaki na hindi sapat para patawarin Niya lamang ako; kailangang Niyang pumarito at mamuhay sa loob ko o hindi ako magiging kung sino ako na nilikha muli at hindi ko magagawa kung ano ang dapat kong gawin nang ako ay ipinanganak muli.

Kailangan ko ang presensiya at kapangyarihan ng Espiritu Santo na mabuhay sa loob ko sapagkat dinudukot ng kasalanan ang pagnanais ng aking puso, binubulag ang aking mga mata, at pinahihina ang aking mga tuhod. Ang problema ko ay hindi lamang ang pagkakasala; ito ay ang kawalan ng kakayahan ng kasalanan din. Kaya binibiyayaan ng Diyos ang Kanyang mga anak ng nagpapatunay, nakapagbibigay ng paningin, nagbibigay ng pagnanasa, at nagbibigay ng kalakasang presensiya ng Espiritu Santo: "Binibigyang buhay Niya ang iyong katawang lupa" (Mga Taga Roma 8:11, mula sa sariling salita ng may akda). 

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/