Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 5 NG 15

Kung ikaw ay sumunod sa loob ng isang libong taon, hindi ito nakakadagdag sa pagtanggap sa iyo mula nang ikaw ay unang nanalig; ang pagtanggap ay nakasalalay sa pagkamakatuwiran ni Cristo at hindi sa iyo.

Sa katunayan, ang kasalanan ay mas malaking kapahamakan kaysa sa iniisip natin at ang pagpapala ay mas kamangha-mangha kaysa sa inaakala natin. Walang sinuman na nakakaunawa kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa malawakang, bawat-aspeto-ng-pagkataong likas na pagbabago ng kasalanan ang mag-iisip na kahit sino ay kayang magtipon ng sapat na adhikain at kalakasan para maabot ang pamantayan ng kasakdalan ng Diyos. Ang isipin na kahit sinong nagkasalang tao ay kayang gampanan ang kanyang paraan para matanggap ng Diyos ang pinakabaliw sa lahat ng pagkahibang. Gayunman, lahat tayo ay posibleng mag-isip na tayo ay higit na mas matuwid kaysa sa kung ano tayo, at kapag naisip natin ito, sinimulan na natin ang unang hakbang para mayakap ang kahibangan na baka hindi naman tayo ganoon kasama sa mata ng Diyos pagkatapos ng lahat.

Ito ang dahilan kung bakit ang pagsusuri sa katotohanan ng Mga Taga-Roma 3:20 ay napakahalaga. Isinulat ni Pablo, "Dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala." Kung ikaw ay nanalangin sa bawat sandali ng iyong buhay, hindi ka makakapanalangin nang sapat na panalangin para maging karapat-dapat ka sa pagtanggap ng Diyos. Kung ibinigay mo ang lahat ng sentimo sa bawat salaping kinita mo sa lahat ng pinagtrabahuhan mo, hindi ka makapagbibigay nang sapat para maging karapat-dapat sa pagtanggap ng Diyos. Kung ang lahat ng salita na sinabi mo ay nabigkas sa pinakadalisay na maingat na pag-uudyok, hindi mo kailanman magagawang magsalita ayon sa iyong pamamaraan upang magkaroon ng pakikipagkasundo sa Diyos. Kung ibinigay mo ang sarili mo sa isang walang patid, at tuloy-tuloy na buhay ng paglilingkod, hindi ka kailanman makapaglilingkod nang sapat para makamtan ang biyaya ng Diyos. Ang kasalanan ay napakalaki. Ang pamantayan ng Diyos ay napakataas. Ito ay hindi maaabot ng kahit sinong taong may hininga.

Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos, sa Kanyang pagmamahal, ay ipinadala ang kanyang Anak: "Ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa" (Mga Taga-Roma 5:8). Nakita mo, walang kahit ano mang daan. Mayroon lamang isang daan sa pagtanggap ng Diyos—ang pagkamatuwiran ni Cristo. Ang Kanyang pagkamatuwiran ay ibinigay para sa ating kapakanan; ang mga makasalanan ay tinanggap sa harap ng banal na Diyos batay sa perpektong pagsunod ng isa pa. Si Cristo ang ating pag-asa, si Cristo ang ating kapahingahan, si Cristo ang ating kapayapaan. Lubusan Niyang tinupad ang kinakailangan ng Diyos upang sa ating kasalanan, kahinaan at kabiguan, hindi na tayo kailanman muling matatakot sa galit ng Diyos. Ito ang nagagawa ng biyaya! Kaya bilang mga anak ng biyaya, tayo ay sumusunod bilang paglilingkod sa pamamagitan ng pagsamba, hindi isang desperadong pagtatangka na gawin ang imposible— kundi upang malayang makamit ang biyaya ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/