Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa
Ang iyong kapahingahan ay matatagpuan mo hindi sa pagkaunawa mo ng kabuuan ng iyong buhay, kundi sa pagbibigay ng tiwala sa Kanya na nakabuo na ng plano para sa iyo, para sa iyong kabutihan at sa Kanyang kaluwalhatian.
Papunta kami noon sa isang pamilihan sa bayan kasama ang aming dalawang anak na lalaki nang biglang tinanong ng aming tatlong taong gulang na anak, "'Tay, kung ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay, ginawa rin ba Niya ang mga poste ng ilaw?" Naisip ko na lahat ng magulang na paulit-ulit na nakakaranas ng walang katapusang tanong na "bakit' ay nagtatanong ng: Paano ko dadalhin ang pag-uusap na ito mula dito hanggang sa kung saan ko ito dapat dalhin?" O, "Bakit niya ako kailangan tanungin ng 'bakit' sa lahat ng oras?”
Ang mga tao ay may malalim na pagnanais na makaalam at makaunawa. Ginugugol natin ang bawat araw sa pag-iisip upang maunawaan ang lahat. Hindi tayo nabubuhay sa ating likas na simbuyo. Hindi natin ipinagwawalang-bahala ang ating buhay. Tayong lahat ay mga teologo.Tayong lahat ay mga mananaliksik.Tayong lahat ay mga arkeologo na nagbubungkal sa mga bundok sa ating buhay upang maunawaan ang ating sibilisasyon, ang ating sariling kuwento. Ang katangiang ito na dinisenyo ng Diyos ay may kasamang kamangha-mangha at mahiwagang kaloob. Ang pagnanais na ito at ang mga kaloob na ito ang ating kaibahan mula sa ibang mga nilikha. Ang mga ito ay banal, ginawa ng Diyos upang lumapit tayo sa Kanya, upang makilala natin Siya at maunawaan natin ang ating sarili nang naaayon sa Kanyang katotohanan at kalooban.
Ngunit dahil sa kasalanan, ang pagnanais at mga kaloob na ito ay nagiging mapanganib.Tinutukso tayo nito na isipin na matatagpuan natin ang ating puso kung ilalagay natin sa ating kamay ang ating buhay. Ito ang pamumuhay na "Kung mauunawaan ko lang ito o iyon, magiging panatag ako". Ngunit hindi ito tama. Kahit sa panahon ng iyong tagumpay, mayroon pa ring mga bagay na hindi mo nalalaman sa iyong buhay; minsan pa nga ay mga mapapait na lihim. Lahat tayo ay may kinakaharap na mga bagay na hindi natin maunawaan at tila walang mabuting maidudulot sa atin. Kaya ang kapahingahan ay hindi matatagpuan sa paghahanap ng pang-unawa sa lahat ng bagay. Hindi, ang kapahingahan ay matatagpuan sa pagtitiwala sa Kanya na nakakaunawa ng lahat at namamahala ng lahat para sa Kanyang kaluwalhatian at sa ating kabutihan.
Iilang mga sipi ang nagpapakita ng ganitong kapahingahan nang higit pa sa Mga Awit 62: 5-7: "Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang kaligtasan ko't aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang. Siya'y malakas kong tagapagsanggalang, matibay na muog na aking kanlungan."
Sa mga panahong hinihiling mo na sana alam mo ang mga bagay na hindi mo nalalaman, maaari ka pa ring makaranas ng kapahingahan. Mahal ka Niya at pinamamahalaan Niya ang mga bagay na hindi mo nauunawaan habang isinasaalang-alang ang iyong kabutihan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
More