Noel: Ang Pasko ay Para sa LahatHalimbawa
![Noel: Christmas Is For Everyone](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13525%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Anak na Ipinangako, Isang Larawan ni Jesus
Ni Danny Saavedra
“Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.”—Genesis 22:8 (ASND)
May nagpagawa na ba sa iyo ng bagay na tila isang kabaliwan; isang bagay na nakababaliw na hindi mo kailanman naisip na kailangan mong gawin? Kung nangyari na ito sa iyo, hindi ka nag-iisa. Sa Genesis 22, nagbigay na isang kakatwang utos ang Diyos kay Abraham.
Inutusan ng Diyos si Abraham na ihandog ang kanyang anak. Teka lang, ano? Ang ibig mo bang sabihin ay ang anak na ipinangako? Ang anak na kung saan ang isang dakilang bansa ay mabubuo? Oo, siya na nga. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac . . . at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog. . . .” (Genesis 22:2 ASND).
Malamang na ito ay naging napakasakit at makabagbag-damdaming bagay para kay Abraham. Naisip mo ba kung sakaling ikaw ang sinabihang isakripisyo mo ang pinakamamahal mo? Magiging masunurin ka bang tulad ni Noe o tatakbo kang papalayo tulad ni Jonas? Isipin mo na lang kung gaanong hindi makatuwiran at nakababaliw ang hiling na ito ng Diyos. Si Isaac ang pinakamamahal na anak na lalaki ni Abraham at ang hinaharap ng tipan ng Diyos ay nakasalalay sa kanya. Si Isaac ay isang himala, ang kaloob ng Diyos bilang tugon sa pananampalataya nina Abraham at Sarah.
Ngunit narinig ni Abraham ang Diyos at kaagad na sumunod sa Kanya sa pananampalataya. Kung minsan sa buhay natin, haharapin natin ang tila isang imposible at napakahirap na pagpili . . . isang pagpiling maaaring hindi natin nauunawaan. Ngunit kapag naunawaan natin ang katangian ng Diyos, kapag naunawaan natin ang pag-ibig Niya para sa atin, kapag napagtanto nating ang Kanyang kalooban ay para sa ating ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian sa tuwina, maaari nating Siyang masunod nang may katapatan dahil alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya at tinawag ayon sa Kanyang layunin. (Mga Taga-Roma 8:28).
Alam mo, batid ni Abraham na ang kalooban ng Diyos ay hindi kailanman sasalungat sa Kanyang pangako, kaya't ang tapat na amang ito ay nanghawakan sa pangakong nagsasabi, "Kay Isaac magmumula ang mga lahi na aking ipinangako" (Genesis 21:12 ASND). Naniwala si Abraham na kahit na pinahintulutan ng Diyos na isakripisyo niya ang kanyang anak, na kaya Niyang buhayin muli mula sa mga patay si Isaac (Mga Hebreo 11:17-19). Sa ganitong paraan natin nakikita ang tunay na kalikasan ng pananampalataya. Hindi ito humihingi ng pagpapaliwanag; nakasalig ito sa mga pangako. Kaya nga nagawang sabihin ni Abraham sa kanyang mga alipin, "Aakyat kami roon para sumamba sa Diyos. Babalik din kami agad" (Genesis 22:5 RTPV05, may idinagdag na diin) at kung bakit sinabi niya sa kanyang anak, "Ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog . . ." (Genesis 22:8 ASND, may idinagdag na diin).
Ang madalas na hindi nakikita sa kuwentong ito ay ang pananampalataya at pagsunod ni Isaac. Madalas, kapag inilalarawan natin ang kuwentong ito, iniisip natin si Isaac bilang isang bata, isang batang lalaki. Ngunit marami sa mga iskolar sa Biblia ay naniniwalang siya ay nasa pagitan ng 18 at 33 taon—kung tutuusin, kailangan niyang maging malaki at malakas upang mabuhat ang mga panggatong na kailangan sa paghahandog.Isang napakahusay na pagkakatulad ang makikita natin sa kuwentong ito ni Isaac sa plano ng Diyos para sa kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus, ang Kordero ng Diyos na naparito upang batahin ang mga kasalanan ng mundo. Maraming mga iskolar ang naniniwalang alam ni Isaac ang mga nangyayari. Dinala niya ang panggatong para sa sarili niyang pagsasakripisyo at nanatiling tahimik habang inilalagay siya sa altar. Hindi siya tumutol nang itinaas ni Abraham ang itak, walang kahit ano. Kusang-loob niyang ibinigay ang sarili niya sa kanyang ama . . . katulad ni Jesus! Inilarawan ni James E. Goodman si Isaac na, "nalalaman niya at kusang-loob mula sa kanya, tahimik kung hindi man ganap na tahimik, at higit sa lahat ay hindi nagdurusa." Isinulat ni Clement ng Alexandria na, "Siya (si Jesus) ay si Isaac . . . sapagkat siya ang anak ni Abraham kung paanong si Cristo ang Anak ng Diyos at isang sakripisyo bilang isang Panginoon."
Sa katapusan, pinigilan ng Diyos ang kamay ni Abraham at nagbigay ng kapalit na isasakripisyo. "Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, 'Si Yahweh ang Nagkakaloob.' At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, 'Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.'" (Genesis 22:14 RTPV05). Ang Pasko ay isang pagdiriwang ng sandaling nagbigay ang Diyos ng Kordero!
May ipinagagawa ba ang Diyos sa iyo ngayon na tila isang kabaliwan? Tinatawag ka ba Niyang gumawa ng isang bagay na hindi mo nauunawaan, isang bagay na hindi mo kayang isipin? Maaaring hinahamon ka Niyang lumipat sa ibang bayan o bansa, kumuha ng bagong trabaho, magsimula ng isang Bible study sa iyong tahanan o sa pinagtatrabahuan mo. Maaaring inaakay ka Niya upang ibahagi ang ebanghelyo sa iyong kapitbahay, kaklase, o katrabaho. Gayahin mo si Abraham at igalang mo ang pagtawag na iyon! Kapag ikaw ay humakbang sa pananampalataya at pagsunod, ang Diyos ay tapat na pagpapalain ka, titiyakin Niyang magagampanan mo ito, at gagawa Siya ng isang bagay na tunay ngang kahima-himala sa iyo at sa pamamagitan mo!
Tungkol sa Gabay na ito
![Noel: Christmas Is For Everyone](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13525%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sa loob ng 12 araw, maglalakbay tayo sa pamamagitan ng kasaysayan ng Pasko at matutuklasan natin hindi lamang ang dahilan kung bakit ito ang pinakadakilang kasaysayang nalaman natin, kundi kung paanong ang Pasko ay tunay ngang para sa lahat!
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14894%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay
![Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F17399%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw
![Bakit Pasko ng Pagkabuhay?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14896%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bakit Pasko ng Pagkabuhay?
![Manalanging May Pagkamangha sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F21993%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Manalanging May Pagkamangha sa Pasko
![Ang Diyos ay Kasama Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F17499%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Diyos ay Kasama Natin
![Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19374%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis
![DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang Cristiano](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13611%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang Cristiano
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Habits o Mga Gawi
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)