Noel: Ang Pasko ay Para sa LahatHalimbawa
![Noel: Christmas Is For Everyone](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13525%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Isang Kahanga-hangang Awitin
Ni Danny Saavedra
“Buong puso kong pinupuri ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas! Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon, dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos. Banal siya! Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon. Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili. Ibinagsak niya ang mga makapangyarihang hari mula sa kanilang mga trono, at itinaas niya ang mga nasa mababang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman. Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod. Sapagkat hindi niya kinalimutan ang kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, na kaaawaan niya sila magpakailanman.” Lucas 1:46-55—Lucas 1:46-55 (ASND)
Ano ang pinakamagandang bagay na nangyari sa iyo? Ano ang isang pangyayari o sandali sa buhay mo na nagbigay sa iyo ng ibayong kagalakan na hindi mo kayang sarilinin ito? Para sa akin, ito ay nang malaman kong ipinagbubuntis ng aking asawa ang aming unang anak. Sinabi niya ito sa akin noong kaarawan ko ilang oras bago kami lumabas para kumain kasama ang aming pinakamalalapit na kaibigan.
Isang taon bago nito, nagbuntis na rin siya, ngunit nakunan siya. Sa simula ay natakot kaming sabihin sa mga tao ang balita dahil sa nangyari noong unang pagkakataon, ngunit pakiramdam namin ay iba ito. Naramdaman ko talagang sinasabi sa akin ng Panginoon na totoo na talaga ito. Dahil dito, hindi namin hinayaan ang aming takot na nakawin ang aming kagalakan at pananabik, kaya nagdesisyon kaming ibalita ito sa aming mga kaibigan nang gabing iyon.
Buong buhay ko ay ninais kong maging isang ama, kaya nang dumating na ang sandaling iyon, ang kagalakan ko ay nag-uumapaw, kaya't dahil doon ay pinangalanan namin ang anak namin ng Jude, na ang ibig sabihin ay papuri! At walang araw na dumadaan na hindi ako nagpupuri sa Diyos nang buong puso ko dahil sa kahanga-hanga, mabait, masigla, natatangi, malikhain, at kamangha-manghang batang si Jude.
Ngayong araw na ito, titingnan natin ang isa sa pinakamagandang talata sa Biblia, isa sa pinakamagandang pagsasama-sama ng mga salitang naisulat . . . Ito ay tinatawag na Ang Magnificat; ito ang awit ng papuri ni Maria para sa Panginoon.
Ipagpalagay mong ikaw si Maria sa sandaling ito. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa iyo at sinabing magdadalantao ka sa pamamagitan ng Espiritu Santo at dadalhin mo sa iyong sinapupunan ang pinakahihintay na Mesyas na ipinangako kay Abraham . . .
Siya na dudurog sa ulo ng serpiyente minsan at magpakailanman . . .
Sa pamamagitan ng Lahing ito ang lahat ng bansa sa daigdig ay pagpapalain . . .
Ang Haring uupo sa trono ni David magpakailanman . . .
Ang Tagapagligtas na sasagip sa buong sangkatauhan . . .
Ang kanyang tugon sa kagulat-gulat na balita? “Alipin po ako ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo” (Lucas 1:38 ASND). Wow! At pagkatapos nito, nag-ayos siya at binisita ang kanyang pinsang nagdadalang-tao rin. At sa kanyang pagbati rito, ipinahayag ni Elizabet sa pamamagitan ng Espiritu Santo na pinagpala si Maria sa lahat ng kababaihan sapagkat siya ang hinirang upang maging ina ng Panginoon. At ito ang sandali kung saan makikita natin na hindi na mapigil ni Maria ang kanyang kagalakan at pananabik! Sinabi niya, “Alipin po ako ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo.” Pagkatapos, umalis na ang anghel. At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas."
Kung papansinin mo, may mga pagkakatulad ang awit ng papuri ni Maria at ang Awit ni Ana na makikita sa 1 Samuel 2. Hinggil dito, ang teologong si Alexander Maclaren ay sumulat, "Kailangan bang ang isang simpleng dalaga mula sa nayon ay maging isang makata dahil siya ang ina ng Panginoon? Mas malamang kaya na ang nangyari ay itinuon niya ang kanyang emosyon sa mga anyong karaniwan sa kanya, at lalong nakulayan ng awitin ni Ana ang kanyang damdamin? Ang mga lumang salmong ito ang nagbigay ng hulma kung saan ang kanyang nagniningas na damdamin ay walang pasubaling doon tatakbo, at ang kawalan ng pagka-orihinal nito ang lalong nagpatibay sa pagkatotoo nito." May naranasan ka na bang isang sandali ng iyong buhay kung saan kapagdaka ay isang awit, isang salmo, o isang taludtod sa Biblia ang bigla mong naisip na siyang tumulong upang mailarawan mo ang iyong nararamdaman? Iyan malamang ang nangyari kay Maria! Naalala niya ang Awit ni Ana at ginawa niyang pansarili ito upang ilarawan ang di-malirip na kagalakan, pagpapasalamat, at kaligayahang nararamdaman niya.
Mga kaibigan, ngayong halos wala nang isang linggo bago sumapit ang Pasko, nais kong ipaalala sa inyo ang isang bagay: Ang Magnificat ni Maria ay maaaring maging atin din! Ito'y maaaring mga linyang inaawit natin sa Panginoon. Katulad ng ipinahayag ni Maria, "dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan—Siya'y banal," tayo rin, ay nararapat na sumigaw ng papuri nang may nag-uumapaw at hindi maabot na kagalakan. Dahil kay Jesus, lahat tayo ay maaaring umawit tungkol sa mga dakilang bagay na ginawa ng Panginoon para sa atin! Bawat araw, ang ating mga buhay ay maaaring isang awit ng Magnificat na lumalakad, nagsasalita, buhay, at humihinga para sa ating Diyos.
Gumugol ng panahon ngayong araw na ito upang ipahayag ang iyong awit ng Magnificat kay Jesus. Isawika ito, awitin ito, o maaaring isulat ito. Maaari kang gumamit ng awit ng pagsambang napakahalaga sa iyo, isang taludtod mula sa Biblia, o salmo at gawin itong pansarili. Ipahayag ang iyong kagalakan at pasasalamat sa ating dakilang Diyos at Ama ngayon!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Noel: Christmas Is For Everyone](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13525%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sa loob ng 12 araw, maglalakbay tayo sa pamamagitan ng kasaysayan ng Pasko at matutuklasan natin hindi lamang ang dahilan kung bakit ito ang pinakadakilang kasaysayang nalaman natin, kundi kung paanong ang Pasko ay tunay ngang para sa lahat!
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14894%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay
![Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F17399%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw
![Bakit Pasko ng Pagkabuhay?](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14896%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bakit Pasko ng Pagkabuhay?
![Manalanging May Pagkamangha sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F21993%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Manalanging May Pagkamangha sa Pasko
![Ang Diyos ay Kasama Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F17499%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Diyos ay Kasama Natin
![Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F19374%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis
![DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang Cristiano](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13611%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang Cristiano
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Habits o Mga Gawi
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)