Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Start Here | First Steps With Jesus

ARAW 4 NG 15

Marcos 6-7 | Ipinadala upang Maglingkod

Tayo ay nasa Marcos 6 ngayon, at oras na para sumali sa laro. Ang pagsunod kay Jesus ay hindi sinadya para maging isang palakasan para sa manonood, at ang mga disipulo ay magkakaroon na ng oras sa laro.

Kasali ka na rin dito. Kung sumusunod ka kay Jesus, tinatawag ka para mag-ministeryo, walang kataliwasan. Ngayon kung hindi ka isang mananampalataya, bukas pa rin ang imbitasyon. Ngunit alalahanin mo, hindi ka inaanyayahan sa isang institusyon, tinatawag ka para sa isang kilusan

Ano ang ibig sabihin nito para sa mga disipulo? Malapit na nilang malaman. Marcos 6, bersikulo 7:

“Tinawag niya ang Labindalawa at isinugo sila nang dala-dalawa. Sila ay binigyan niya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu.”

Pansinin mo na sila'y pinapahayo ni Jesus. Ang pagmiministeryo ay hindi naghihintay sa mga taong papasok, ito ay pumupunta kung saan kailangan. At ipinapadala Niya sila nang tigdadalawa - ang pagministeryo ay isang larong pang-koponan. At binibigyan Niya sila ng awtoridad- awtoridad ng Diyos- na humayo. 

At binigyan Niya sila ng mga mga tagubilin. Bersikulo 8:

“Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdadala ng anuman, maliban sa tungkod. Huwag din kayong magdadala ng pagkain, bag, o pera.”

Kung kaya ang una nilang misyon ay isang aralin sa pananampalataya. Walang probisyon- tanging pananampalataya lang. Gayunpaman, ang mga tagubilin ay hindi pareho sa bawat pag-uusap. Kalaunan, ipapadala sila ni Jesus sa isa na namang misyon na may kasamangprobisyon. Ang misyon ay hindi isang pormula o recipe, ito ay isang pakikipagsapalaran, at ang tunay na susi ay ang pagkuha ng direksyon mula sa Panginoon sa tuwina. Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang pagsunod sa mga tagubilin, at pananalig sa Diyos. Wala mang dala o kumpleto man ang gamit, manalig sa Diyos na siyang magbibigay ng ating mga pangangailangan. 

Kung kaya ano na ang nangyari? Bersikulo 12: 

“Humayo nga ang Labindalawa at nangaral na ang mga tao ay dapat magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila ang mga demonyo mula sa mga sinasapian ng mga ito; pinahiran nila ng langis ang maraming maysakit at pinagaling ang mga ito.”

Nagawa nila! Nanalig sila, at ibinigay ng Diyos. Bumalik sila kay Jesus upang magbalita, ngunit ilang saglit ay maraming tao ang nagtipon, at sa bersikulo 31, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo,

“Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.”

Isang mahalagang tuntunin sa pagmiministeryo: magpahinga kasama si Jesus. Kung kaya pumunta sila sa isang hiwalay na lugar, ngunit ang madla ay una pang dumating doon! Pasensya na sila - wala munang pahinga ngayon. Tatlumpu't apat:

“Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila." 

Lagi akong namamangha sa kapasidad ni Jesus sa pagkahabag. Ang pagkahabag ay nangangahulugang “pagdurusa kasama” - at ginawa ni Jesus ito kasama sila. Nakita Niya ang kanilang mga pangangailangan at nagmalasakit sa kanila. At tinuruan Niya ang Kanyang mga disipulo na magmalasakit din. 

Pagkatapos, nagturo si Jesus at umabot sila ng dapit-hapon. Maraming mga tao - malayong lugar- at nangangailangan sila ng pagkainSinabihan si Jesus ng mga disipulo na pauwiin na sila. Makatwiran. Bersikulo 37:

“Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, Bigyan ninyo sila ng makakain.’” 

Bigyang-pansin. Nakikita ng mga disipulo ang pangangailangan, at sinabihan sila  ni Jesus na pakainin ang mga tao. Ngunit hindi sapat. Hindi man lang nangalahati! At nasa gitna ng kawalan.

Ngunit alalahanin mo ang kanilang bagong natutunan, walang dala o kumpleto man ang gamit, manalig sa Diyos na magbibigay. Bersikulo 38:

“‘Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,' utos niya. Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, 'Lima po, at dalawang isda.’”

Iyon ay tinapay at isda para lang sa kakaunting tao, hindi sa libu-libo. Ngunit tingnan nang maigi. Sinabihan nila ang mga tao na maupo, at sa bersikulo 41, 

“Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila.”

Huminto ka muna saglit. Ihinto ang tape at tingnan nang maigi. Nagpasalamat si Jesus, hinati ang mga tinapay, binigyan ang bawat disipulo- gaano karami? 

Isipin mong nasa pwesto ka nila. Tingnan mo ang iyong mga kamay- kalahati ng tinapay siguro, kakaunting isda. Lumingon sa itaas- daang-daang tao. Ngunit sinabi ni Jesus na pakainin sila, kung kaya pinakain mo sila. Apatnapu't dalawa:

“Ang lahat ay nakakain at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. May limanlibong lalaki ang kumain ng tinapay.”

Ito ay nakamamangha. At nangyayari pa rin ito. Nakarinig ako ng maraming totoong buhay na tinapay at isda na mga kuwento mula sa mga kaibigan ko sa ministeryo. gawaing pagtulong para sa bagyo sa Timog, pagpapakain ng mahihirap sa Mexico, at marami pang iba. Minsan ay may trak na biglang susulpot. Minsan ang kakaunting panustos ay nagtatagal kahit dapat nang maubos. Mga tunay na himala - ngunit palaging nasa gitna ng pagtugon ng pangangailangan. Palaging nasa ministeryo ng pagkahabag.

Habang binabasa mo ang Marcos 6 at 7, tingnan mo ang milagro ni Jesus. Nagpapakitang-gilas ba Siya - o nagpapakita ng pagkahabag? Tinuturuan ba Niya ang mga disipulo na gumawa ng mga milagro, o magmalasakit at tumulong kahit na ang pangangailangan ay higit pa sa kaya nilang ibigay?

Natutunan ko noon pa man na hindi ako sapat. Ngunit ang ministeryo ay isang bagay na higit pa sa ating sarili, isang bagay na hindi natin magagawang mag-isa. 

Paano ka naman? Mayroon ka bang kung ano ang kinakailangan upang matulungan ang lahat ng mga taong ito? Wala? Wala rin ako. Ngunit sabi ni Jesus na humayo, kaya tayo na. Wala mang dala o kumpleto man sa gamit, manalig sa Diyos… at sumali sa laro.

Para sa Pagninilay at Talakayan:

  • Ano sa tingin mo ang itinuturo ni Jesus sa mga disipulo nang pinahayo Niya sila nang walang pera? Nang sabihan Niya sila na pakainin ang 5,000 tao na hindi sapat ang pagkain? Nalalapat ba ang mga araling iyon ngayon?
  • Ano ang iyong karanasan sa paglilingkod sa Diyos at pagtulong sa iba? Ibahagi ang iyong kuwento.
  • Kung magagawa mo ang kahit ano para sa Diyos, ano ito?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Start Here | First Steps With Jesus

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

More

Nais naming pasalamatan ang Through The Word sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://throughtheword.org