Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Start Here | First Steps With Jesus

ARAW 3 NG 15

Marcos 4-5 | Mabubuting Binhi at Mabubuting Lupa

Si Jesus ay isang kahanga-hangang mananalaysay. Sa Marcos 4 at 5, si Jesus ay nagkuwento ng mga talinghaga - mga kuwentong nagtuturo ng aral. Ang unang talinghaga ni Jesus ay tutulong sa atin na sagutin ang dalawang mahahalagang tanong: ano ang Biblia at bakit natin ito dapat basahin?

Magsimula tayo sa Marcos 4, bersikulo 3:

“'Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama't kaunti lamang ang lupa roon, agad sumibol ang mga binhing iyon. Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y hindi ito masyadong nag-ugat. May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya't hindi nakapamunga ang mga binhi. At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at namunga nang marami; may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tigsasandaan.'
Sinabi pa ni Jesus, 'Makinig ang may pandinig.'"

Kaya ito ay isang kuwento ng pagsasaka. Ang isang magsasaka ay nagtatanim ng mga binhi; ang ilang mga binhi ay tumutubo at ang ilan ay hindi, depende sa lupa. Hindi masyadong kapana-panabik, ngunit ibinigay sa atin ni Jesus ang susi sa talinghagang ito sa bersikulo 14:

“Ang binhing inihahasik ay ang mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos”

Sa Lucas 8 sinabi ni Jesus:

“Ang binhi ay ang Salita ng Diyos” (Lucas 8:11).

Kaya inihambing ni Jesus ang Salita ng Diyos sa isang binhi. Mag-isip tungkol sa mga binhi. Wala kang masyadong makikita rito. Ang prutas ay mas kawili-wili. Ngunit ang binhi sa loob, ang maliit na maliit na butil na iyon, nakatago sa loob nito ang lahat ng mga plano at lahat ng mga kagamitan sa pagtatayo na kailangan upang makabuo ng isang buong palumpong, halaman, o puno - mula sa mga ugat hanggang sa mga sanga hanggang sa bunga - at lahat ay nasa lupa. Ang isang binhi ay kamangha-mangha: ibabaon mo ito at lumilikha ito ng buhay.

At sinabi sa atin ni Jesus: ang Salita ng Diyos ay isang binhi. Maaaring wala kang masyadong makikita, ngunit ang mga plano ng buhay ay naroroon. Ang kailangan lang nito ay mabuting lupa.

Ang Biblia ay higit pa sa isang aklat. Ito ay may 66 na mga libro. Ngunit higit pa riyan, ang Biblia ay ang Salita ng Diyos. Sabi ng 2 Timoteo,

“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos” (2 Tim 3:16).

Nangangahulugan itong ang Biblia ay nagsasabing ito ay Salita ng Diyos.

Kaya kung ang Salita ay isang binhi, ano ang lupa? Ibinabalik tayo nito sa talinghaga.

Ipinaliwanag ni Jesus na ang lupa ay ang mga nakakarinig ng salita. Ang lupa ay ikaw at ako. Puso natin ito, at may apat na uri ng lupa - apat na magkakaibang puso pagdating sa pakikinig sa salita ng Diyos.

Ang ilang mga puso ay kasing tigas ng solidong kalsada. Ang salitang ay tumama ngunit hindi pumapasok. Ang ibang puso ay parang mabatong lupa. Mayroong kaunting buhaghag na lupa, at ang binhi ay lumalaki nang kaunti, ngunit ang mga ugat ay hindi maaaring lumalim. Kapag dumating ang problema, sumusuko sila sa pananampalataya. Kung gayon ang ilang mga puso ay parang lupang may mga tinik at mga damo, na nababalot sa mga kasiyahan at alalahanin sa buhay, wala nang puwang para lumago ang pananampalataya. Ngunit pagkatapos ay may ilang mga puso na... Bueno, nakakita ka na ba ng isang pirasong lupa na nagiging isang hardin? Kahanga-hanga.

Kaya paano mo matitiyak na ang iyong puso ay ang uri na lumalaki? Para malaman, basahin ang Marcos 4. Tandaan, ang kapangyarihan ay nasa mga salita ng Diyos, hindi sa akin. Nandito ako para tulungan kang magsimula, ngunit ang tunay kong layunin ay buksan mo ang Biblia at basahin ito para sa iyong sarili.

Umaasa akong magkakaroon ka ng isang malusog na gawi sa Biblia. Iyan ay isang mahalagang bahagi ng pagsunod kay Jesus. Basahin ang Biblia araw-araw. Magtanim ng magagandang binhi sa mabuting lupa at magpatubo ng magagandang bunga.

Kaya basahin ang Marcos 4 at 5, at isaalang-alang kung anong uri ng lupa ang gusto mong maging. Kung may oras ka, basahin ang buong kabanata, at sundan si Jesus habang nagkukuwento Siya ng higit pang kamangha-manghang mga kuwento. At panoorin habang Siya ay nangungusap sa isang malaking bagyo at pinapakalma ito, habang Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo, nagpapagaling ng mga maysakit, at maging ang pagtawag na muli sa mga patay. At lahat ng iyon, ay sa kapangyarihan ng Kanyang salita. At kung kayang gawin ng mga salita ni Jesus ang lahat ng iyon, isipin mo na lang kung ano ang gagawin ng mga ito sa iyong buhay. Ang kailangan mo lang - ay magandang lupa.

Para sa Pagninilay at Talakayan:

  • Bakit sa tingin mo inilalarawan ni Jesus ang Salita ng Diyos bilang isang binhi? Paano sila magkatulad?
  • Kung ang lupa ay kumakatawan sa iyong puso, ano ang maaari mong gawin upang matiyak na ang Salita ay nakatanim sa mabuting lupa at may puwang upang tumubo at mamunga?
  • Paano mo nakitang ang salita ng Diyos na nakaapekto sa iyo at sa mga tao sa iyong buhay? Ibahagi ang iyong kuwento.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Start Here | First Steps With Jesus

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

More

Nais naming pasalamatan ang Through The Word sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://throughtheword.org