Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Start Here | First Steps With Jesus

ARAW 6 NG 15

Marcos 10-11 | Buhay na Walang Hanggan

Ngayon isang batang lalaki ang nagtanong kay Jesus ng isang malaking tanong. Marcos 10, bersikulo 17:

"Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

Ngayon ganyan dapat ang isang tanong.Tinuturuan tayo ng Biblia na kung anong ginagawa natin sa maigsing buhay natin dito ay siyang nagpapasya kung paano tayo mabubuhay sa kawalang-hanggan. At ang batang lalaking ito ay gustong malaman - ano ang dapat kong gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan? Paano ako makakapunta sa Langit?

Kung kaya tinanong niya ang mabuting guro. At tingnan kung paano sumagot si Jesus. Bersikulo 18:

"Bakit mo ako tinatawag na mabuti?" sumagot si Jesus. "Walang mabuti kundi ang Diyos lamang."

Pansinin mo na hindi diretsahang sinagot ni Jesus ang tanong. Bakit? Dahil gusto Niyang linawin ang maling paniniwala ng lalaki bago Niya ipalinawang ang tamang sagot. Kung kaya sinabihan siya ni Jesus na, "Walang mabuti kundi ang Diyos lamang." Importante ito. 

Madalas hinahati natin ang mundo sa pagitan ng mabubuting tao at masasama. Ngunit sinasabi ng Biblia na lahat ay nagkasala, at walang sinumang tao ang matuwid maliban sa Diyos (Mga Taga-Roma 3:23). Ang taong matuwid ay matuwid sa Diyos, at sa Lumang Tipan, ang tangingdaan patungong buhay na walang hanggan ay ang katuwiran.(Mga Kawikaan 12:28).

At tingnan kung anong sunod na sasabihin ni Jesus. Bersikulo 19:

"Alam mo ang mga kautusan…”

At inisa-isa Niya: huwag pumatay, huwag mangalunya, huwag magnakaw, huwag magsinungaling, parangalan ang mga magulang. Maaaring nakikilala mo na ito'y mula sa Sampung Kautusan. Bersikulo 20:

"Sumagot ang lalaki, “Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan.”"

Malinaw na iniisip ng lalaking ito na siya ay mabuti. At naiintindihan ko. Bago ko nakilala si Jesus, talagang inisip ko na ako ay isang mabuting tao. Sinubukan kong huwag saktan ang sinuman, at ako ay naging isang mabait na tao. 

Ngunit pansinin kung ano ang hindi sinasabi ni Jesus. Inisa-isa Niya ang mga kautusan tungkol sa pagmamahal sa iba ngunit hindi Niya sinasabi ang mga kautusan tungkol sa Diyos: "Hindi ka magkakaroon ng iba pang mga diyos" at "Hindi ka gagawa ng mga idolo" kapalit ng Diyos. Bakit Niya nilaktawan ang mga ito? Bersikulo 21: 

"Magiliw siyang tiningnan ni Jesus." 

Huminto saglit dito. Para kay Jesus, ang pag-uusap na ito ay higit pa sa isang teolohikong Q&A. Mahal siya ni Jesus. Kung kaya sinabihan Niya ito:

"May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin."

Wow. Isang bagay lang ang kulang sa kanya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isang bagay langNgunit basahin nang maigi- ano ang bagay na ito? Ito ba ay ang pagbibigay ng lahat sa mahihirap? Sa tingin ko ay hindi. Ito ang huling parirala- ang mga salita sa huli na: "Sumunod ka sa akin." 

May isang paraan lamang upang magkaroon ng buhay na walang hanggan: sumunod kay Jesus. Ang Mga Taga-Roma 3 ay sinasabi sa atin na

"Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan” (Mga Taga-Roma 3:20). 

Ibig sabihin nito na ang mabubuting gawain ay hindi sapat. 

“Pinapawalang-sala ng Diyos ang lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya" (Mga Taga- Roma 3:22).

Sa madaling salita, ginagawa tayong matuwid ni Jesus sa Diyos kung susundan natin Siya nang may pananampalataya. Dinala Niya ang ating mga kasalanan sa krus at ibinigay sa atin ang Kanyang katuwiran(2 Mga Taga-Corinto 5:21). 

Kung gayon bakit sinabihan ni Jesus ang lalaki na ibenta ang lahat ng kanyang pagmamay-ari? Tingnan mo ang kanyang reaksyon:

"Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman." (Marcos 10:22).

Kung gayon siya ay mayaman. At ang kanyang reaksyon ay isang palatandaan. Malungkot siya dahil mahal niya ang kanyang kayamanan. Hindi masama ang pera, ngunit ang pagmamahal sa pera ay mapanganib. Ang kayamanan ay madaling nagiging isang diyus-diyusan- isang pamalit sa Diyos. Marahil ay sinadya ni Jesus na laktawan ang unang mga kautusan upang ipakita sa batang lalaki na ginagawa niya nag mga ito. At muli, naiintindihan ko. Inisip ko na mabuti akong tao, ngunit ang aking pagmamataas sa sarili ang aking diyus-diyusan, at ito ang pumipigil sa aking mapalapit sa Diyos. Para sa lalaking ito, pera ang kanyang diyus-diyusan. Kung kaya sinabihan siya ni Jesus: una ay bitawan mo muna ang iyong mga diyus-diyusan, pagkatapos ay sumunod ka sa akin.

At tingnan ang mga salita ni Jesus. Inilarawan Niya ang Langit bilang "pagpasok sa Kaharian ng Diyos. "Binabago nito ang lahat. Kung ang langit ay isang mabuting lugar lamang, ang pagpasok ay nangangailangan na maging mabuti; ngunit kung ang Langit ay Kaharian ng Diyos, ang pagpasok ay nangangailangan na maging matuwid sa harap ng Hari.

Si Jesus ang Hari, at ang tanging paraan papasok sa Kaharian ng Diyos ay ang pagsunod kay Jesus. Siya ay mabuti, at tanging Siya lamang ang makapagpapatuwid sa atin. Ngunit hindi mo masusunod si Jesus hanggang hindi mo iniiwan ang iyong mga diyus-diyusan. hindi ka maaaring maglingkod sa dalawang panginoon, at hindi ka maaaring sumunod sa dalawang direksyon. 

Kung kaya ano ang nangyari sa lalaki? Sinunod ba niya si Jesus, o nakuha ba niya ang mundo at napahamak ang kanyang kaluluwa? Hindi natin alam. Ngunit ang alam ko ay may oras pa para sa iyo. 

Iniisip ko kung paano tutugon si Jesus kung ikawang nagtanong ng parehong katanungan. Tayong lahat ay may iba't ibang diyus-diyusan: pera, kasiyahan, droga, tagumpay, karangalan, pagnanasa. Upang mahanap ang iyong diyus-diyusan, tanungin mo ang sarili mo: Kapag sinabi niya na "Sumunod ka sa akin," ano ang pumipigil sa iyo?

Basahin ang Marcos 10, at isipin kung ano ang kailangan mong bitawan para ikaw ay makasunod. 

Para sa Pagninilay at Talakayan:

  • Aling bahagi ng sagot ni Jesus ang talagang sumasagot sa tanong ng lalaki? (Basahin ang 10:17 & 10:21).
  • Bakit sinasabi ni Jesus na mahirap para sa mga mayayaman pumasok sa Kaharian ng Diyos? (Basahin ang 10:25).
  • Sa tuwing tinatawag ka ni Jesus na sumunod sa Kanya, anong mga bagay ang pumipigil sa iyo? Ibahagi ang iyong kuwento.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Start Here | First Steps With Jesus

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

More

Nais naming pasalamatan ang Through The Word sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://throughtheword.org