Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa
Marcos 16 & Lucas 24 | Nabuhay Na Muli
Masayang pagbabalik mga kaibigan ko. Mahalaga ang araw na ito. Natapos tayo sa krus. Ang katawan ni Jesus ay nakumpirmang patay na, binalot ng lino, at inilagay sa isang libingan. Isang malaking bato ang iginulong sa harapan, at isang Romanong bantay ang naroon sa lugar para makasigurado. Lumipas ang isang araw. At isa pa. Ang mga Judio ay nagpahinga para sa Sabbath, at magsisimula tayo ng madaling araw ng Linggo.
Magbubukas ang Marcos 16 sa pagsikat ng araw. Ang ilan sa mga kababaihan ay nagdala ng pabango sa libingan upang parangalan ang namatay. At inisip nila: paano nila tatanggalin ang bato? Verse 4:
“Ngunit nang matanaw nila ito, nakita nilang naigulong na ang bato. At pagpasok nila sa libingan, may nakita silang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit, at nakaupo sa gawing kanan. Kaya't sila'y nagtaka. Ngunit sinabi nito sa kanila, 'Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito; siya'y muling binuhay ng Diyos! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Bumalik kayo at sabihin ninyo sa kanyang mga alagad at kay Pedro, ‘Mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo.’”
Sinasabi sa atin ng bersikulo 8 na ang mga babae ay “nanginginig at nalilito.” Walang biro. Inaasahan nila ang isang patay na katawan at ang nakita nila ay isang buhay na anghel! At sinabihan sila na pumunta at sabihin sa mga alagad. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?
At sorpresa ba ang lahat ng ito? Pansinin ang huling parirala sa talata 7, “Gaya ng sinabi niya sa iyo.” Si Jesus ay nagsalita na tungkol dito - sinabi Niya sa mga alagad na kailangan Niyang mamatay at muling mabuhay! Ngunit minsan hindi tayo nakikinig sa mahirap na katotohanan. Alalahanin kung paano sinubukan ni Pedro na kausapin si Jesus tungkol dito. Hindi nila naintindihan. Kaya bakit kailangang mamatay si Jesus?
Ang kuwento ng muling pagkabuhay ay makikita sa lahat ng apat na ebanghelyo, at bawat manunulat ay nagbahagi ng iba't ibang bahagi ng araw na iyon. Kaya lumipat tayo sa aklat ni Lucas para tulungan tayong sagutin ang tanong na iyon. Lucas 24:13:
“Nang araw ding iyon, may dalawang alagad na naglalakad papuntang Emaus, isang nayong may labing-isang kilometro ang layo mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Habang sila'y nag-uusap, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila, ngunit siya'y hindi nila nakilala na para bang natatakpan ang kanilang mga mata. Tinanong sila ni Jesus, 'Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?'”
Kahanga-hanga ang susunod na kuwento. Dalawang disipulo ang magkasamang naglalakad, balisa at malungkot dahil namatay si Jesus. Hindi nila ito maintindihan. Sumama sa kanila ang isang estranghero - nagtatanong kung ano ang kanilang pinag-uusapan. At sinabi nila sa kanya ang tungkol kay Jesus, “isang propeta, makapangyarihan sa salita at gawa sa harap ng Diyos at ng lahat ng tao.” Ngunit Siya ay ipinako sa krus. Namatay Siya. Sinasabi ng bersikulo 21,
“Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel.…”
Umaasa kami. Ngunit sinabi rin nila sa Kanya ang tungkol sa balitang nakuha nila mula sa ilan sa mga babaeng pumunta sa libingan. Ngayon hindi nila alam kung ano ang iisipin. At sa buong panahong iyon, hindi nila alam na kausap nila si Jesus! Sa talatang 25:
“Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba kayo makaunawa? Bakit hindi kayo makapaniwala sa lahat ng sinasabi ng mga propeta? Hindi ba't kailangang ang Cristo ay magtiis ng lahat ng ito bago niya makamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta.”
Napakaganda nito. Si Jesus ay naghatid ng mensahe ng panghabambuhay, at hinabi ang buong Biblia upang ipakita sa kanila - ito ay palaging humahantong sa krus at sa muling pagkabuhay. Ang Mesiyas ay kailangang mamatay. Bakit?
Ang tanong na iyan ay nagbabalik sa atin sa pinakamahalagang bagay: pag-ibig. Mahal tayo ng Diyos.
“Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin” (1 Juan 3:16).
Kinailangang mamatay si Jesus dahil mahal Niya tayo. Namatay Siya para tayo ay mapatawad. Ipinapaliwanag ito ng Mga Taga-Roma sa ganitong paraan:
“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Mga Taga-Roma 6:23).
Iyan ay nangangahulugan na ang lahat ng ating mga kasalanan laban sa Diyos ay karapat-dapat sa kamatayan. Binigyan Niya tayo ng buhay, inabuso natin ito at ginamit sa maling paraan, at ang makatarungang parusa ay kamatayan. Ngunit mahal tayo ng Diyos. Mahal na mahal Niya tayo kaya ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak na humalili sa atin. Sa krus, si Jesus - na hindi kailanman nagkasala - ay kinuha ang lahat ng ating kasalanan, binayaran ang buong halaga, at namatay na kahalili natin.
Ngunit ang kamatayan ay hindi ang wakas. Dumating si Jesus upang lupigin ang kamatayan. At binuhay Siya ng Diyos. At ang kapangyarihang bumuhay kay Jesus mula sa mga patay ay siya ring kapangyarihang bumuhay sa atin. Ginagawa tayong bago ni Jesus. Wala na ang luma, nandito na ang bago.
At isaalang-alang ang pagtatakda nito. Si Jesus ay namatay para sa atin habang tayo ay makasalanan (Roma 5:8). Hindi Niya hinintay na maging mabuti tayo. Minahal Niya tayo sa pinakamasama natin - noong tayo ay mga kaaway Niya. Iyan ay malalim na pag-ibig.
Ito - ang kahanga-hangang sakripisyong ito, ang hindi lubos-maisip na pag-ibig na ito - binago nito ang lahat. Ito ang pag-asa. Pag-asa kahit kanino. Ang pag-ibig na ito ay nagbabago sa mga tao. Ang mga taong sinabi ko sa iyo - na nagmamahal nang may pagsasakripisyo sa sarili - hindi sila palaging ganoon. Ngunit ang pag-ibig na nagpako kay Jesus sa krus at ang kapangyarihang bumuhay sa kanya mula sa kamatayan ay buhay at aktibo ngayon. At ang buhay na ito- ito ay isang bagay na kay gandang pagmasdan.
Paano natin ito isisabuhay ngayon? Basahin ang Lucas 24, at pagkatapos ay bumalik sa Mga Taga-Colosas.
Para sa Pagninilay at Talakayan
- Bakit kinailangang mamatay si Jesus sa krus?
- Sinasabi sa Mga Taga-Roma 5:8 na ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin dito: noong tayo ay makasalanan pa, si Jesus ay namatay para sa atin. Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig na iyon para sa iyo?
- Ang Mga Taga-Roma 8:11 ay nagsasabi na ang parehong Espiritu na bumuhay kay Jesus mula sa mga patay ay magbibigay din sa iyo ng bagong buhay. Nakakita ka na ba ng ebidensya niyan sa iyong buhay?
Tungkol sa Gabay na ito
Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!
More