Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Start Here | First Steps With Jesus

ARAW 11 NG 15

Mga Taga-Colosas 1:19-2:5 | Basahin Ito

Masayang pagbabalik sa lahat. Ngayon ay pag-uusapan natin ang tungkol sa Biblia at ang kahalagahan ng isang magandang gawi sa Biblia. Ang Biblia ay ang paraan ng pagsasalita sa atin ang Diyos, at ang pagbabasa ng Biblia ay kung paano tayo mananatili sa tamang landas habang sinusunod natin si Jesus. Malamang na may nakilala ka nang mga taong nagsasabing sila ay sumusunod kay Jesus ngunit ang kanilang buhay ay hindi tumutugma rito. Madalas itong nangyayari. Kaya paanonatin maitatama ito?

Ang Biblia ay susi. Sigurado akong napansin mo na ang buong paglalakbay na ito ay nakasalig sa Biblia. Kahanga-hanga ang Biblia. Mga epikong kuwento, kahanga-hangang bayani, malalalim na karunungan, at makapangyarihang gabay para sa buhay. Napakarami rito. At pinapanatili tayo ng Biblia na maingat. Nagbibigay ito sa atin ng isang angkla ng katotohanan sa isang mundo ng kalituhan. Napakaraming kasinungalingan diyan - maging ang mga kasinungalingan tungkol kay Jesus - at pinapanatili tayo ng Biblia na makalakad sa katotohanan at makasunod sa tunay na Jesus.

Kaya't balikan natin ito. Natapos tayo sa Mga Taga-Colosas 1 na may makapangyarihang paalala kung sino si Jesus. Kunin natin ang talata 19:

“Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya.”

Iyan ay makapangyarihan. Ang kapuspusan ng Diyos ay kay Jesus. At sa pamamagitan ni Jesus tayo ay pinagkasundo. Ang mapagkasundo ay tumutukoy sa isang maling relasyong ginawang tama. Nakikipagkasundo tayo sa Diyos...

"...sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus" (1:20).

Ginawa tayong matuwid ni Jesus sa Diyos, at gusto ni Pablo na manatili na tayo sa Diyos. Kaya hinihikayat ka niyang...

"... manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita" (1:23).

Bakit sinabi iyon ni Pablo? Dahil ang simbahan ng Colosas ay pinapasukan ng maling pagtuturo tungkol kay Jesus. Nakapasok ang mga manlilinlang. Kaya sumulat si Pablo upang panatilihing nakasalig ang simbahan sa katotohanan. Sa talatang 25 sinabi niya,

"Ako'y naging lingkod nito nang piliin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita."

Inutusan ng Diyos si Pablo na maglingkod sa simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo ng buong Salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang buong Biblia. Kadalasan ay sinisipi ng mga huwad na guro ang Biblia, ngunit kumukuha sila ng isang talata dito at doon at binibigyan ito ng ibang pakahulugan. Kaya basahin ang Biblia para sa iyong sarili - ito ay mag-iingat sa iyo sa katotohanan at maglalayo sa mga kasinungalingan.

Ngayon kung nahihirapan kang unawain ang Biblia, nariyan ang mabubuting guro. Binigyan tayo ng Diyos ng mga guro upang tumulong sa pagpapaliwanag at pagsasabuhay ng Biblia. Ngunit hindi dapat palitan ng guro ang Biblia - tutulungan ka lamang nila upang maunawaan ito.

Sa Mga Taga-Colosas, sinabi ng mga huwad na guro na ang katotohanan ay puno ng mga misteryo na hindi mo maiintindihan. Kaya't sinabi ni Pablo na inihayag ng Diyos ang misteryo - ipinaalam Niya ito sa atin. Sa bersikulo 27, ang misteryong iyon ay

"...si Cristo ay nasa iyo, ang pag-asa ng kaluwalhatian."

Iyan ang tunay na sikreto. Ang Biblia ay tungkol kay Jesus. Ang lihim sa pamumuhay para sa Diyos ay "Si Cristo ay nasa iyo." Inaakay Niya tayo mula sa loob sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ay tungkol kay Jesus. Kaya sa bersikulo 28, sinabi ni Pablo, 

"Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman ... .”

Mahalaga ang pagtuturo dahil tinutulungan tayo nitong maunawaan ang Biblia. At ang mabuting pagtuturo ng Biblia ay nagpapahayag kay Jesus. Alam mong magandang pagtuturo kung nakatuon ito kay Jesus at ang pundasyon nito ay ang Salita.

Pagkatapos, sa kabanata 2, ipinaliwanag ni Pablo ang layunin ng pagtuturo: 

"Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman patungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo."

Nais ni Pablo na maunawaan mo ang Biblia, dahil kapag naiintindihan mo ito ay makikilala mo si Jesus. Ngayon ang Biblia ay puno na rin ng karunungan at kaalaman, ngunit ang bersikulo 3 ay nagpapaalala sa atin na "lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman" ay matatagpuan kay Jesus.

Kaya't paano tayo mananatili sa tamang landas? Paano tayo makatitiyak na sumusunod tayo sa tunay na Jesus? Basahin ang Biblia at makinig sa mabuting pagtuturo nito. 

Mayroong ilang mga mahahalagang gawi sa pagsunod kay Jesus. Ang una ay isang malusog na gawi sa Biblia. Ngayon ang pagbabasa ng Biblia ay hindi isang hakbang tungo sa Langit, at hindi rin ito isang paraan upang mahalin ka Niya nang higit pa. Mahal ka na Niya nang lubos. Ngunit ito ay maglalapit sa iyo sa pag-ibig na iyon, at makakatulong sa iyo na maunawaan ito at lumakad dito. Ito ay hindi isang kailangang-gawin, ito ay isang gusto-kong-maging. Tandaan, ang Salita ng Diyos ay isang binhi - ito ay nagtatanim ng buhay sa iyong puso. Kaya magtanim ng ilan araw-araw!

At paano ka magsisimula ng isang ugali sa Biblia? Kung ikaw ay nasa gabay na ito, ginagawa mo na ito! Kaya magtakda ng kaunting oras bawat araw para magbasa ng Biblia at manalangin. At siyempre, basahin ang Mga Taga-Colosas ngayon, at magkita tayong muli dito sa kabanata 2. 

Nakita mo iyon? Nagsimula ang ugali. Madali lang iyon.

Para sa Pagninilay at Talakayan

  • Anong papel ang ginagampanan ng mga gawi sa iyong buhay? Ano sa tingin mo ang mahahalagang ugali sa pagsunod kay Jesus?
  • Sinabi ni Pastor Kris, “Pinapanatili tayong lumalakad ng Biblia sa katotohanan at sumusunod sa tunay na Jesus.” Paano sa palagay mo nagagawa iyon ng pagbabasa ng Biblia?
  • Ano ang iyong karanasan sa pagbabasa ng Biblia? Ibahagi ang iyong kuwento.
Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Start Here | First Steps With Jesus

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

More

Nais naming pasalamatan ang Through The Word sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://throughtheword.org