Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Start Here | First Steps With Jesus

ARAW 15 NG 15

Mga Taga-Colosas 4:17 | Tapusin Ang Iyong Sinimulan

Kumusta aking mga kaibigan. Ngayon ang ating huling araw. Magaling! Natapos mo ang iyong sinimulan - ito ay isang tunay na tanda ng pagkatao. Walang biro. At malamang na nagtataka ka - ano ang susunod? Kaya ngayon, susuriin natin ang ating natutunan, at ipaplano ang mga susunod na hakbang mo.

May isang talata sa dulo ng Mga Taga-Colosas na akma rito. Bersikulo 17:

"At pakisabi ninyo kay Arquipo na ipagpatuloy ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon.'"

Kawili-wili. Hindi natin kilala si Arquipo, at hindi natin alam ang kanyang ministeryo. Ngunit alam nating mahalaga ito. Ang isang tao ay napakahalaga sa Diyos, at ang pagtawag ng Diyos sa buhay ng isang tao ay mahalaga sa kanilang mundo. Kaya't sinabi sa kanya ni Pablo, "kumpletuhin mo ang ministeryo." Tapusin mo ang nasimulan mo.

At iyan ang mensahe ko para sa iyo. Hindi kita personal na kilala, ngunit alam kong mahalaga ka sa Diyos, at alam kong magkakaroon ng pagbabago ang iyong ministeryo. Mayroon kang layunin at tungkulin - kaya tapusin ang gawain. Una, suriin natin.

Nagsimula ang ating paglalakbay sa mga simpleng salitang ito: "Sundan mo ako." At iyon ang naging kuwento natin mula simula hanggang wakas - ang pagsunod kay Jesus. Sa daan, nakita natin si Jesus na nagpagaling ng mga maysakit, nagpakalma sa bagyo, nagpatawad sa mga kahabag-habag na makasalanan at tunay na nagpapanumbalik ng mga tao. At ang mga disipulo ay bahagi ng gawain, at gayundin kayo.

Sa Marcos 8, tinawag ni Jesus ang mga disipulo sa pagtatalaga:

"Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin (Marcos 8:34).

At sumunod ang mga alagad. Sa mayamang batang pinuno, nalaman natin na ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugan ng pagpapalaya sa mga diyus-diyosan tulad ng pera at pagmamataas. At natutunan natin ang pinakadakilang utos ng Diyos: mahalin ang Diyos at mahalin ang iyong kapwa. At higit sa lahat, natutunan natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay para iligtas tayo.

At tandaan - hindi natin ito pinagtatrabahuhan. Hindi natin binabayaran ang ating mga kasalanan, at hindi natin ginagawang mabuti ang ating sarili. Namatay si Jesus para bayaran ang buong halaga, at nabuhay Siyang muli para bigyan tayo ng bagong buhay. Biyaya. Ang ating trabaho ay mamuhay nang karapat-dapat sa Kanyang pagtawag.

Dinadala tayo nito sa Mga Taga-Colosas. Paano natin ito isinasabuhay? Mga simpleng salita: sumunod kay Jesus. Ngayon nga lamang, sa halip na sundan ang Kanyang mga yapak, mayroon kang Cristo sa iyo. Ngayon ginagabayan ka ng Banal na Espiritu sa buhay, habang hinuhubad mo ang dating pagkatao at isinusuot ang bago.

At binibigyan ka ng Espiritu ng mga bagong gawi. Tandaan - ang mga ito ay hindi kinakailangan, ito ay mga nagiging ikaw. At ang mga ito ay isang magandang lugar upang simulan ang iyong mga susunod na hakbang:

Magsimula ng gawi sa Biblia. Magtakda ng oras bawat araw para buksan ang Biblia at basahin. Mayroon kaming mahusay na mga gabay sa pagbabasa dito sa Bible app para magpatuloy ka, at gusto ko lalo na ang mga gabay na naglalahad sa isang aklat ng Biblia sa bawat pagkakataon. O maaari mong simulan muli ang gabay na ito. Sa pagkakataong ito, mag-imbita ng isang kaibigan na sumama sa iyo. At dinadala ako nito sa...

Magsimula ng ugali sa pakikisama. Makipag-ugnayan sa ibang mga mananampalataya. Tinawag tayong magmahal, at nangangailangan iyon ng panahon na magkasama. Iyan ay para sa simbahan. Tandaan, ang simbahan ay hindi isang pagtatanghal na pinapanood mo, ito ay isang pakikisama. Kaya makisali ka. Maging totoo at personal, ibahagi ang iyong puso, aminin ang iyong mga kasalanan, manalangin nang sama-sama at makahanap ng kagalingan. At isa itong magandang lugar para...

Magsimula ng gawi sa serbisyo. Iyan ay ministeryo. Maghanap ng mga pagkakataong tumulong sa iba sa mga simpleng paraan. Ang isang mahusay na paraan upang tumulong ay…

Magsimula ng ugali sa pananalangin. Tandaan na ang panalangin ay hindi tungkol sa pagkakamit ng gusto mo, ito ay tungkol sa paglapit sa Diyos. Kaya't ibukas ang iyong sarili, ibahagi ang iyong puso, ang iyong mga pangangailangan, at manalangin din para sa iba.

At magkakaroon ng higit pang mga bagong gawi: pagkukumpisal na kaugalianpaggawa ng mga disipulong kaugalian. Ngunit kung magsisimula itong maging tila isang listahan ng dapat gawin, magdahan-dahan. Tandaan - hindi ito pagsunod sa mga patakaran, ito ay pagsunod kay Jesus. Kaya panatilihin itong simple, tumuon sa Kanya, at hayaang gabayan ka ng Espiritu.

At tandaan na hindi ka itinutulad sa isang Cristianong may itinakdang hugis. Ikaw ay binago mula sa loob palabas - ginawang muli sa imahe ng Diyos kung saan ka nilayon. Halimbawa: isa sa iyong mga bagong gawi ay ang pagbibigay. Ngunit hindi ka nagbibigay ng pera para makakuha ng mga puntos sa Diyos. Nagbibigay ka dahil ang Diyos ay nagbibigay, at natututo kang maging bukas-palad tulad Niya.

Kaya, oras na para magsimula. May pakikipagsapalaran sa hinaharap. May mga paglalakbay sa buhay at mga paglalakbay sa Biblia. May gawain ang Diyos para sa iyo, kaya tapusin mo ang iyong nasimulan. Ngunit hindi ito ang iyong gawain lamang, ito ay Kanyang gawain, at:

"Ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo." (Mga Taga-Filipos 1:6).

Ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatapos mo ng iyong gawain, ito ay tungkol sa pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa iyo. Kaya't ituon ang iyong mga mata kay Jesus, ang "pinagmumulan at kabuuan" ng iyong pananampalataya (Hebreo 12:2). Sinimulan Niya ito - tatapusin Niya ito. At tandaan, hindi ka nag-iisa. Hindi ka Niya iiwan ni pababayaan man (Hebreo 13:5). Ang mga huling salita ni Jesus sa mga disipulo sa ebanghelyo ni Mateo ay:

"Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon" (Mateo 28:20).

Para sa Pagninilay at Talakayan strong>

  • Ano ang ibig sabihin ng pariralang "Tapusin mo ang iyong sinimulan" sa iyong buhay?
  • Ang Mga Taga-Filipos 1:6 ay nagsasabi sa atin na "Ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo." Ano ang ibig sabihin nito sa iyo?
  • Ang gabay ngayon ay nagbigay ng mga mungkahi para sa iyong mga susunod na hakbang. Ano ang susunod mong planong gawin?
Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Start Here | First Steps With Jesus

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!

More

Nais naming pasalamatan ang Through The Word sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://throughtheword.org