Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Araw 14 | Mga Taga-Colosas 4
Kumusta aking mga kaibigan. Mga Taga-Colosas 4 ngayon, at balik sa mga pangunahing kaalaman. Tinuruan tayo ni Jesus ng dalawang simpleng mga utos: mahalin ang Diyos ng lahat ng mayroon ka at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa sarili. At ang mga simpleng mga susi na ito ang gabay sa bawat hakbang sa pagsunod natin kay Jesus.
Ang kabanata 4 ay nagsisimula kung saan nagtatapos ang 3: na may mga direksyon para sa mga relasyon. Dito- mga alipin at mga amo. Maitatanong mo: sinusuportahan ba ng Biblia ang pang-aalipin? Kinukunsinti ba nito ang hindi pagkakapantay-pantay, diskriminasyon sa lahi, at pang-aapi?
Hayaan mo ako maging prangka. Hindi. Ang Biblia ayhindisumusuporta sa pang-aalipin, at sinumang gumagamit sa Biblia upang suportahan ang pang-aapi at hindi pagkapantay-pantay ng mga tao ay inaabuso at mali ang paggamit ng salita- sa kanilang kahihiyan. Ang Biblia ay pinag-uusapan ang mga alipin at mga amo dahil ang pang-aalipin ay isang realidad ng panahong iyon, at si Pablo ay nagbibigay tagubilin kung paano mamuhay sa totoong buhay. Sa mga alipin, sinasabi niya: magtrabaho nang matiyaga- na tila nagtatrabaho ka para sa Diyos dahil Siya ang iyong tunay na amo.
At sa kabanata 4:
“Mga amo, maging mabuti kayo at makatarungan sa mga naglilingkod sa inyo. Alalahanin ninyong kayo man ay may Panginoon sa langit.”
Dito at sa ibang mga bahagi ng Biblia ay pinaaalalahanan ang mga amo at mga alipin na pantay silang lahat sa paningin ng Diyos, kahit gaano man sila paghiwalayin ng pamayanan. Gayunpaman, maipagtataka mo kung bakit hindi na lang buwagin ni Pablo ang pang-aalipin bilang mandato ng Diyos.
Ito ay mahalaga. Si Jesus, sa Kanyang unang pagdating, ay hindi pumarito upang ayusin ang sistema at itama ang mundo. Naparito Siya upang ayusin ang ating mga puso, at itama ang ating mga puso sa Diyos. Sa Kanyang pangalawang pagdating, si Jesus ay magtatatag ng Kanyang kaharian dito sa mundo, ngunit una Siyang pumarito upang itatag ang Kanyang kaharian sa loob natin. Una: Hari ng iyong puso. Pangalawa: Hari ng mundo.
Kaya tinuturuan tayo ni Pablo na mamuhay ng tama sa isang mundong mali pa rin. Alipin at mga amo, mga manggagawa at mga tagapag-empleyo, gawin ang tama. Maya-maya sinasabi ni Pablo sa mga alipin na kunin ang kanilang kalayaan kung makakaya, at ang kanyang sulat kay Filemon ay nagsasabi tungkol sa isang amo na pinalaya ang kanyang alipin at tinawag siyang kapatid - isang malaking pahayag sa panahong iyon.
Pumunta naman tayo sa kasaysayan, makikita natin na karamihan sa mga bayani na lumaban at nagsakripisyo para wakasan ang pang-aalipin ay binigyang inspirasyon at hinimok ng kanilang pananampalataya sa Biblia. Binago ng Diyos ang kanilang mga puso, pagkatapos ay binago nila ang mundo.
Bumalik tayo sa Mga Taga-Colosas, bersikulo 2:
"Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos."
At ito ang nagbibigay sa atin ng atingsusunod na bagong gawi: pananalangin. Basahin mo ang Biblia at manalangin sa bawat araw. Muli, hindi ito isang bagay na dapat gawin, kundi isang bagay na dapat makamit. Nakamamangha ang panalangin. Nagagawa nating makipag-usap sa Diyos- ang Manlilikha ng sandaigdigan- nang diretso. Sinasabi ni Pablo na "maging matiyaga kayo" dito. Gawin itong prayoridad.
Tungkol sa ano ba dapat ang panalangin mo? Lahat ng bagay. Anong kailangan mo, ano ang ipinagpapasalamat mo, anong iniisip mo o kinalilituhan mo o anong inaasahan mo. Manalangin ka para sa mga tao. Manalangin ka para sa akin! Kailangan ko ito. Manalangin- tungkol sa- lahat ng bagay.
Pag-isipan mo. Ang komunikasyon ay mahalaga sa bawat relasyon. Ang pag-uusap ay ang paraan kung paano natin nakikilala ang bawat isa. Ang magandang bagay sa paglalakbay nang magkasama ay ang pagkakaroon ng oras sa pag-uusap, pagpapahayag ng kalooban, at pagkakataong lumago. Pareho ito sa Diyos. Habang sinusunod natin si Jesus, tayo ay nag-uusap sa ating paglalakbay. Tayo ay nagpapakatotoo, ibinabahagi ang ating mga inaasahan at kinatatakutan. Binubuksan natin ang mga pintuan upang papasukin si Jesus.
Isipin mo na ang panalangin ay isang pakikipag-usap sa isang mabuting kaibigan. Kapag hindi ito mabuti, ito ay tungkol lang sa pagkuha ng mga gusto mo. Kapag mabuti ito, ito ay tungkol sa pagkilala sa isa't isa. Ang panalangin ay hindi isang takdang-aralin o isang sanaysay na binibigyan ng grado, kung kaya huwag kang mag-alala tungkol sa pagdarasal sa "tamang paraan." Magpakatotoo ka lang. Lumapit ka sa trono ng Diyos nang may pagpapakumbaba at may paggalang - Siya ang Diyos; ngunit makakaasa tayo- ginawa tayong tama ni Jesus sa Diyos. At sinasabi sa Mga Taga-Roma 12 na tayo ay "palaging manalangin" - tulad ng isang tawag sa telepono na hindi natatapos.
Ngayon ang natitira sa sulat ng Mga Taga-Colosas ay isang pagbati. Tandaan, ito ay isang tunay na liham sa pagitan ng totoong mga tao. At ang mga taong ito ay minamahal ang isa't isa! Kung kaya nagpapadala sila ng pagbati. Nagustuhan ko talaga ito sa Biblia. Ito ay personal. Maaari sanang inukit ng Diyos ang Kanyang mga salita sa nang diretso sa bato, ngunit pinili Niya munang isulat ito sa mga puso ng taong nagmahal. At ang pagmamahal na ito ay kumikinang sa pahina.
At dinadala tayo nito sa isang pang gawi: pakikisama. Gumugol ng oras kasama ang ibang mga Cristiano. Sama-samang tikman ang buhay. Mahalin ang Diyos at mahalin ang iba. Pinapaalalahanan tayo ng Mga Taga-Hebreo na huwag kalimutan ang pakikisama sa pamilyang Cristiano- ang simbahan.
Ngayon ang salitang simbahan sa Biblia ay hindi isang gusali, ito ay ang mga taong sumusunod kay Cristo. Ang Simbahan ay maaaring makipagkita sa isang gusaling, ngunit kapag hindi tayo nakikipag-ugnayan nang totohanan, hindi natin naiintindihan ang punto. Habang binabasa mo ang kabanata 4, basahin ang mga pangalan- mga taong personal na nagmamalasakit- Marcos, Justus, Epaphras, Lucas, Nympha, at pansinin,
“...ang simbahan sa kanyang bahay” (4:15).
Noong panahon, ang mga simbahan ay nagkikita sa loob ng bahay- tulad ng isang pamilya.
Kung kaya iyon ang mga pangunahing kaalaman: mahalin ang Diyos at mahalin ang iba. Upang gawin ito, simulan ang ugali ng pananalangin: kilalanin ang Diyos. At simulan ang ugali ng pakikisama: kilalanin ang iba. Marahil ay maaanyayahan mo ang isang kasama sa trabaho o sa paaralan upang samahan kang basahin ang gabay na ito, pag-usapan ang mga tanong pang-talakayan at manalanging magkasama. Iyan ay isang gawi sa Biblia, gawi sa panalangin, at gawi sa pakikisama. Wow. Ang dali noon.
Ngayon kung kailangan mo ng tulong para magsimula, pag-uusapan natin ito bukas. Para sa ngayon, basahin ang Mga Taga-Colosas 4, at panatilihing itong simple: mahalin ang Diyos at mahalin ang iba.
Para sa Pagninilay at Talakayan
- Bakit sa tingin mo ay mahalaga ang panalangin sa pagsunod kay Jesus? Paano naapektuhan ng panalangin ang iyong paglakad kasama ang Diyos?
- Bakit sa tingin mo ay importante ang pakikisama sa pagsunod kay Jesus? Paano ba ang pakikisama sa ibang mga Cristiano nakakaapekto sa iyong paglalakad kasama ang Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!
More
Mga Kaugnay na Gabay

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya

Paano Magsisimulang Magbasa ng Biblia

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Gusto Ka Ni Jesus

God Is for You

Bagong Taon, Bagong Pamumuhay

Iniisip Ka Ni Lord

May Power Ang Words Natin
