Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ang Liwanag ay Dumating Na
Ang Kapaskuhan ay nandito na! Oras na para ipagbunyi ang kapanganakan ng ating Tagapagligatas na si Jesu-Cristo - Ang Liwanag ng Mundo!
Sa unang araw ng Paglikha sa Genesis, nagsalita ang Diyos at ang liwanag ay agad na nahiwalay sa kadiliman. Ngunit hindi nagtagal bago piliin ni Adan at ni Eba na magkasala, at ang presensiya ng Diyos, ang Kanyang liwanag, ay nahiwalay sa tao. Sa oras na iyon, ang kuwento ng pagliligtas ay kinailangan nang maisulat: Ang pangangailangang magningning ang liwanag sa gitna ng kadiliman ay hindi na lamang para sa umaga at gabi, ngunit para na rin sa buhay at kamatayan. Ang higit na ninanais ng Diyos at ang magkaroon ng ugnayan sa atin, kaya nagpadala Siya ng isang Ilaw upang gumabay sa atin palabas ng kadiliman at pabalik sa Kanya.
Ito ang Kapaskuhan: “Ang Nag-Iisang tunay na liwanag, na Siyang nagbibigay liwanag sa lahat, ay darating na sa mundo!"
Ang Iisang Anak ng Diyos ay ipinanganak upang sa kapatawaran ng mga kasalanan, makasundo muli natin ang Diyos. Ang pagkakawalay na nagpanatili sa atin sa kadiliman ay napagtagumpayan na ng ilaw ni Jesus. Sabi ni Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”
Nasaan ka man ngayon, at ano man ang iyong mga nagawa, ang Tagapagligtas ng mundo ay dumating na! Para sa IYO! Hayaang ang Kayang ilaw ay magningning sa lahat ng madidilim na bahagi ng iyong buhay at ibalik ang nawala sa dilim. Ang Ilaw ay narito na, at ipinahayag Niya na hindi ka na kailanman maglalakad sa kadiliman. Ang Ilaw ay narito na, at ipinahahayag Niya na hindi ka na kailanman maglalakad muli sa kadiliman. Tanggapin ang Kanyang pag-ibig at hayaang maranasan ang Kapaskuhan nang walang katulad!
Panalangin: Ama, salamat sa paghahanda ng isang daan mula pa noong simula ng panahon upang kami ay maging malapit sa Iyo muli. Salamat sa pagpapadala ng Iyong Anak upang ipanganak, at mamatay, upang ako'y mabuhay! Ngayon, sa pagbubunyi ng Kapaskuhan, tulungan mo ako na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa Iyong pag-ibig sa akin at sa Ilaw Mo na Iyong dinala sa aking buhay. Pinupuri kita dahil ginawa mong posible para sa akin na hindi na muling maglakad sa kadiliman kailanman!
I-download ang larawan para sa araw na ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More