Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Pananampalatayang Walang Pag-aalinlangan
Gunitain mo ang mga oras na nangusap sa iyo ang Diyos, isang pangako, sagot sa dalangin, o pananalig. Ano ang iyong agarang tugon? Ikaw ba’y umayon sa Kanyang sinabi, o ika’y umupo at nag-isip kung ang Diyos ba talaga ang nangusap sa iyo? Marahil ika’y sigurado na nadinig mo ang sinabi ng Diyos ngunit ika’y nag-alinlangan. (Pahayag: okey lang—ito’y nagawa natin lahat)
Ayon sa Lucas 2, noong sinabi ng mga anghel sa mga pastol ang mabuting balita tungkol sa kapanganakan ni Jesus, dali-dali silang umalis upang hanapin Siya. Hindi sila naghintay at nag-alinlangan, pinili nilang agarang tumugon. Ito ay dakilang pananampalataya! Walang dudang gusto nilang makatagpo si Jesus, ngunit mayroon din silang mga alalahanin. Paano ang mga maiiwang tupa? Dapat bang sabihin muna sa kanilang pamilya? Ang kasuotan kaya ay tama? Ang mga simpleng pastol ba ay karapat-dapat na humarap sa Hari ng mga Hari? Hindi nila hinayaan ang ganoong katanungan na maging hadlang upang agaran silang tumugon sa Diyos.
Sa ating pagsunod kay Jesus, nararapat nating tularan ang kanilang pananampalataya. Sa panahong nag-aalinlangan tayo sa Diyos, tayo’y lumilikha ng pagdududa, takot at kahinaan ng loob—ang mga ito’y hindi mula sa Kanya. Kapag ika’y nakatanggap ng utos mula sa Kanya, magtiwala ka sa Kanyang gabay. Ika’y tuturuan Niya ng sapat na kakayahan upang magampanan ang utos Niya. Ang kailangan lamang gawin ay tumugon. Pukawin ang iyong pananampalataya at magpasya ngayon na ika’y hahayo kapag nagpahayag ang Diyos na ika’y humayo, kahit ano pa man!
Panalangin: Ama, salamat sa Iyong pagtitiis sa akin. Patawad po sa ilang ulit na hindi pagsunod sa Iyong mga pahayag. Nais kong sumunod sa Iyong mga plano sa aking buhay. Palakasin Mo ang aking pananampalataya at tulungan mo akong tumugon agad sa tuwing naririnig Kita.
I-download ang imahe dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More