Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Hari, Diyos, at Tagapagligtas
Sa Mateo 2:11, dinalhan ng mga Mago si Jesus ng tatlong tanyag na mga regalo: ginto, kamanyang, at mira. Alam mo ba na ang mga regalong ito ay may espesyal na kahulugan sa Lumang Tipan at sinasalamin ang Nag-iisang pinuntahan nila para sambahin?
Ang ginto ay sagisag ng paghahari sa Awit 27:15, at ang regalong ginto ang nagpapatibay kay Jesus bilang Hari ng mga Hari. Ang Kamanyang ay may kaugnayan sa pagsamba sa Diyos sa Exodo 30:34, at ang regalong kamanyang ay kumikilala na si Jesus ang Diyos. Sa Exodo 30:22-25, ang mira ay ginamit na pamahid sa mga tao para sa mga espesyal na layunin. Sa unang pagkakataong nakatanggap si Jesus ng mira ay nang ibigay ito bilang regalo noong Kanyang kapanganakan. Ang huling pagkakataon na makakatanggap si Jesus ng mira ay sa krus at sa Kanyang libing. Ang regalong ito ang nagtuturo sa espesyal na layunin ng buhay ni Jesus: Siya ay mamamatay sa krus upang maligtas tayo sa ating mga pagkakasala at siya ay muling mabubuhay, matagumpay laban sa kamatayan.
Binabanggit sa bersikulo sa Mateo 2 na nang makita ng mga Mago si Jesus, "nagpatirapa sila at sinamba ang bata." Sinasamba natin si Jesus bilang ating Hari dahil nasa Kanya ang "lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa" (Mateo 28:18-20). Sinasamba natin si Jesus bilang ating Diyos dahil "nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan Niya" (Juan 1:3). At sinasamba natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas dahil "gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16). Hingin sa Diyos na gamitin ang panahon ng Adbiyento upang mas mapalapit ka kay Jesus sa pamamagitan ng pagsamba, tulad ng pagdadala ng bituin sa mga mago upang sambahin Siya.
Panalangin: Ama, salamat sa pag-akay Mo sa akin patungo sa Iyo. Kagaya ng pagdadala Mo sa mga mago palapit kay Jesus, nakikiusap akong gawin Mo rin akong mas malapit pa kay Jesus. Jesus, sinasamba Kita bilang aking Hari, aking Diyos, at aking Tagapagligtas! Banal na Espiritu, tulungan mo ako na maging gabay sa ibang tao na malayo sa iyo upang sila ay makalapit at makasamba kay Jesus.
I-download ang larawan para sa araw na ito here.
Mga pinagmulan: John MacArthur, Matthew 1–7, William Hendriksen, Exposition of the Gospel According to Matthew, David Platt, Exalting Jesus in Matthew, Grant R. Osborne, Matthew, (Zondervan Exegetical Commentary Series on the New Testament).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More