Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ang Paghihintay ay Sulit
Isinalaysay sa Lucas 2:25-32 ang kuwento ni Simeon, isang lalaki na nakatanggap ng pangako mula sa Diyos na makikita niya ang Mesias bago siya mamatay. Namuhay si Simeon na naghihintay na tuparin ng Diyos ang pangakong ito, at maaari tayong matuto mula sa kanya tungkol sa pagtitiis at pagtiitiyaga. Sinasabi sa Banal na Kasulatan na si Simeon ay "matuwid, may takot sa Diyos... Nasa kanya ang Espiritu Santo. ” Kaya nga, siya ay nahikayat ng Espiritu na bisitahin ang templo kung saan ang pangako ng Diyos ay nagkaroon ng katuparan. Nakilala niya si Maria at Jose at hinawakan niya si Jesus sa kanyang mga bisig. Sa oras na iyon, ang buong buhay na paghihintay sa pangako ng Diyos ay sulit.
Isipin ang kamangha-manghang karanasan na mahawakan ang pisikal na representasyon ng katapatan ng Diyos sa iyong mga bisig. Itinala ni Lucas na kinuha ni Simeon si Jesus sa kanyang mga bisig "at nagpuri sa Diyos." Hindi natin alam kung si Simeon ay naiyak o napasayaw, pero kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kanyang mga sapatos, ang iyong tugon ay maaaring katulad din ng sa kanya. Walang ibang tugon ang magiging kasing wasto ng pagpupuri!
Huwag kang mawalan ng pag-asa sa iyong puso kung ikaw ay may hinihintay na pangako ng Diyos na tila buong buhay ang kailangan mong igugol. Siya ay tapat, at ang Kanyang tiyempo ay perpekto. Ang pangako mo man ay matupad sa loob ng ilang linggo lamang o pagkatapos ng buong buhay na pagtitiwala; sulit ang paghihintay sa kalalabasan nito.
Panalangin: Ama, pinupuri Kita dahil Ikaw ay tapat! Alam ko na Ikaw ay mapagkakatiwalaan at ang Iyong mga pangako sa akin ay totoo. Hindi ako susuko na maniwala sa Iyong mga pangako, at sabik akong maghihintay sa araw na makikita ko ang mga itong magkatotoo. Alam ko na ang tiyempo mo ay perpekto. Mananatili akong tapat sa Iyo habang ako ay naghihintay, at pinupuri kita ngayon pa lang para sa katuparan ng mga pangako mo!
I-download ang larawan para sa araw na ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More