Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 22 NG 25

Ang Puso ng Diyos Para sa Buong Mundo

Kilala ang mga mago bilang astrologo, kung kaya gumamit ang Diyos ng isang tala para gabayan sila patungo kay Jesus. Alam Niya kung paano Niya makukuha ang kanilang atensyon. Bilang mga astrologo, malaki ang pagkakataon na ang Marurunong na Kalalakihang isinasama natin sa ating mga belen tuwing Pasko ay mga salamangkero na nagpapaliwanag ng mga pangitain at tanda upang maging makapangyarihan. Mayroong mga teorya tungkol sa lahi at pagkakakilanlan sa mga kalalakihang ito mula sa Silangan, pero tayo ay nakakatiyak sa isang bagay: Hindi sila mga Judio, sila ay mga Hentil.

Sa daan-daang taong nakalipas, ipinagpalagay ng mga tao na ang Tagapagligtas ay darating para partikular na iligtas ang mga Hudyo, ang piniling lahi ng Diyos. Ang pagpapalagay na ito ay makatwiran, dahil sila ay palaging inaapi ng mga karatig na bansa ng mga Hentil na sumasamba sa mga diyos-diyosan. Kung ang Kaisa-isang Tunay na Diyos ay darating sa lupa upang itatag ang Kanyang Kahariang walang hanggan, paniguradong ito ay para sa kapakanan ng mga Judio.

Ngunit nang ipinahayag ng Diyos ang kahalagahan ng kapanganakan ni Jesus sa mga mago, ipinakita sa atin ang Kanyang kagustuhan na makipagkasundong muli sa buong mundo, ano man ang ating pagkakakilanlan o ang lalim ng ating kasamaan. Ito ay isang mahalagang pangyayari, lalo na sa mga hindi nanggaling sa lahi ng mga Judio. Bagama't si Jesus ay ipinanganak na purong Judio at totoong naparito para tubusin ang Kanyang pinili mula sa simula, naparito rin Siya para dalhin ang lahat ng tao pabalik sa kanilang relasyon sa Lumikha.

Sa Mga Gawa 15, inamin ni apostol Pablo na ang Espiritu Santo ay hindi nangingilala sa pagitan ng mga Judio at Hentil. Sino man ang may pananampalataya kay Jesus ay isa nang piniling anak ng Diyos. Sinabi pa ni Pablo sa kanyang sulat para sa mga taga-Colosas 3 na, "Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.” Nilinaw ni Jesus sa Dakilang Pagsugo na ang nais Niya ay ang makilala Siya ng lahat ng bansa. Ang Kanyang puso ay para sa buong mundo!

Panalangin: Jesus, salamat sa Iyong pagdating para iligtas ang mundo na itinanggi Ka sa napakatagal na panahon. Salamat sa kagustuhan Mong makipagkaibigan sa akin noong ako'y makasalanan pa at malayo sa Iyo. Alam ko na mahal Mo ang buong mundo, at gusto kong maging Iyong mga kamay at paa na patuloy na aabutin ang mga taong malayo sa Iyo. Gamitin Mo ako upang dalhin ang pag-ibig Mo sa iba't-ibang mga bansa.

I-download ang imahe para sa araw na ito: here.

Sources: https://www.christianitytoday.com/history/2016/december/magi-wise-men-or-kings-its-complicated.html
Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/