Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ang Pagsusumikap ay Hahantong sa Paglago
Sabi sa Lucas 2:40 na noong si Jesus ay bata pa, dinala Siya ni Maria at ni Jose sa Templo ng Jerusalem para iharap Siya sa Diyos at parangalan ang mga batas ng Panginoon. Mababasa rin natin na si Jesus ay naging malago, naging malakas, at napuno ng karunungan, at ang pagpapala ng Diyos ay nasa Kanya. Si Jesus ay naging ehemplo ng kung paano tayo dapat mamuhay, ngunit tila imposible ito kung ang Kanyang pagiging Diyos lamang ang ating pagtutuunan ng pansin. Si Jesus ay isang tao rin, at ayon sa Banal na Kasulatan, kahit Siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang umunlad at lumago. Ngunit ano nga ba talaga ang nag-udyok sa paglago ng ating Tagapagligtas?
Sa modernong kultura, tayo ay binubugbog ng mga estratehiya kung paanong matutulungan ang sarili na nagsasabi kung paano natin mapapalakas ang ating mga katawan, kung paano tayo magiging matagumpay sa ating karera, kung paano natin tutulungan ang ating mga sarili na matalo ang depresyon... Para sa ilang halaga, maaari tayong mas matuto, makagawa, at mapagpabuti ang ating sarili.
Importanteng tandaan na ang Salita ng Diyos ay nagsasabi ng paglago ni Jesus sa pamamagitan ng pagpaparangal sa Diyos. Totoo, na mayroong mga hakbang na maari nating gawin sa abot ng ating makakaya para lumago, ngunit walang kahit anong programa upang matulungan ang sarili na maaaring makapaghanda kay Jesus sa Kanyang tungkulin. At wala ring kahit anong programa para matulungan ang sarili na kayang pumalit sa pagpapala ng Diyos sa ating mga buhay. Nakikita natin ang mga Cristiano sa kanilang kamatayan na may mas matinding karunungan at kalakasan kumpara sa mga matatagumpay na lider o atleta. Hindi tayo nakakakuha ng karunungan at kalakasan sa pamamagitan ng pagtulong sa ating mga sarili. Ang mga ito ay resulta ng patuloy na paglapit at pagpaparangal sa Diyos at pagdanas ng pagpapala Niyang nakakapagpabago ng buhay.
Habang panahon ng Kapaskuhan, ituon ang sarili sa kung ano ang mga posibleng mangyari kung pipiliin mong lumapit kay Jesus. Hindi mo kailangang mahirapan para maabot ang pamantayan ng mundo. Mamahinga sa kaalaman na ang totoong karunungan at kalakasan ay manggagaling sa kung gaano tayo kalapit sa Kanya. Kapag Siya ay patuloy mong nilapitan sa araw-araw, siguradong ikaw ay lalago at magiging handa sa iyong layunin.
Panalangin: Ama, salamat dahil Ikaw ang pinanggagalingan ng aking karunungan at kalakasan. Ang pagpapala Mo ang nagbibigay sa akin ng pag-asa para sa aking hinaharap. Alam ko na lubhang mas higit Ka sa kung ano ang kaya kong gawin at malugod akong nagpapasalamat sa kagustuhan Mong ibahagi ang Iyong lakas sa akin. Sa tuwing ako'y nahihirapan, tulungan Mo akong sumandal sa Iyo kaysa sa aking sarili.
I-download ang larawan para sa araw na ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More