Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 18 NG 25

Ang Kahanga-hanga Ay Napahanga

Naiisip mo ba kung ano ang naranasan ng mga pastol nang may malaking "hukbo ng mga anghel sa kalangitan" na nagpakita sa gabi noong Paskong iyon? Sila ay nasa bukirin, nagbabantay ng kanilang mga tupa nang biglang: napuno ng anghel ang kalangitan. Malamang ay may narinig na sila tungkol sa mga anghel, pero ang makakita ng isa ay marahil parehong nakasisindak at nakamamangha. Ang daan-daang mga anghel na sama-samang sumisigaw ng papuri ay tiyak na isang nakabibingi at dakilang himig. Isang kamangha-manghang sandali!

Marahil sa tingin natin ay karapat-dapat ding makatanggap ng papuri ang mga anghel. Sila ay naiiba mula sa anumang bagay na nakikita natin dito sa lupa, nagtataglay ng liwanag ng langit, na naghahangad ng ating buong pansin at paggalang. Ngunit hindi sila ang sentro ng pagsamba. Sila man ay pambihira, ang mga anghel ay ganap na nakatuon sa pagpupuri sa Diyos sa kung sino Siya at kung ano ang Kanyang gagawin sa lupa sa pamamagitan ni Jesus. Ang mga anghel, na kamangha-mangha sa mga mata ng tao, ay namangha nang makita ang Diyos. Para sa mga pastol, tiyak na mas higit na kapani-paniwala na ang Diyos ay tunay na karapat-dapat sa kanilang pinakamataas na pagsamba at papuri.

Panalangin: Ama, hindi ko kayang lubusang maunawaan kung gaano Ka kadakila. Itong panahon ng Pasko, panatilihing Mong nakatuon ang aking mga mata sa kung gaano Ka karapat-dapat sa pagsamba ko. Huwag Mong hayaan na mawala sa akin ang pagkamangha sa Iyong kadakilaan. Ginawa ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa upang upang sambahin Ka. Walang makahihigit sa iyong kadakilaan.

I-download ang larawan para sa araw na ito dito

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/