Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 17 NG 25

Maging Tapat sa Maliliit na Bagay

Gustong-gusto ng Diyos na kumilos ng iba sa paraan ng mundo. Hindi Niya pinapupurihan ang mga tao sa parehonang kadahilanan na pinapupurihan sila ng mundo. Pinahahalagahan Niya ang katapatan kaysa sa kasikatan at ang pagpapakumbaba kaysa sa kapangyarihan. Sa gabi ng Kanyang pinakadakilang himala, sa halip na ihayag Niya ito sa mga hari at mga pinuno ng mga bansa, nagpadala ang Diyos ng anghel upang ipahayag ito sa mga ordinaryong pastol. Sinasabi ng Lucas 2:8 sa atin na "Doon may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon.” Mahalagang pansinin na ang mga lalaking ito ay matatapat na manggagawa, namumuhay kasama ang kanilang mga tupa at mahusay na pinangangalagaan ang mga bagay na ipinagkatiwala sa kanila. Mababa ang katayuan ng mga pastol sa lipunan, ngunit matatapat silang mga tao, at pinili sila ng Diyos na unang makatanggap ng pinakadakilang balita sa buong kasaysayan. At sila ang unang nabigyan ng pagkakataon na makilala ang Anak ng Diyos ng personal!

Kung nararamdaman mo ngayon na hindi ka mahalaga o nababalewala ka, huwag kang tumigil na mamuhunan sa mga bagay na ibinigay ng Diyos sa iyo upang gawin. Kahit pakiramdam mo na ang gawain mo ay maliit, ibigay mo ang lahat ng makakaya mo. Huwag kang panghihinaan ng loob! Naghahanap ang Diyos ng mga tao na magiging tapat sa maliliit na bagay upang mapagkatiwalaan Niya ang mga ito ng higit pa. Ano man ang itinakda sa iyo ngayon, gawin mo ito gamit ang iyong buong lakas. Nakikita ng Diyos ang iyong pagsisikap at pagpapalain Niya ang mga taong tapat na nagsasagawa ng gawaing ibinigay sa kanila.

Panalangin: Ama, salamat sa pagbibigay ng halaga sa mga bagay na tila binabalewala ng mundo. Ano man ang tungkulin na ibigay mo sa akin, nangangako ako na gagawin ko ito ng buong puso. Tulungan mo akong hindi mapanghinaan ng loob dahil sa mga pamantayan ng mundo, sa halip ay ipaalala mo sa akin na pinili Mo ang mga mapagpakumbaba, at masisipag na pastol na unang makaalam ng himala na dala ng Kapaskuhan. Gaya ng mga pastol, salamat sa pagpili Mo sa akin upang maging tagapagdala ng Iyong Magandang Balita. At ngayon pa lang, salamat sa pagbibigay sa akin ng mas higit pa dahil ako ay tapat sa ano mang ipinagkatiwala mo sa akin.

I-download ang imahe para sa araw na itohere

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/