Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ang Gawaing Paghigit sa Inaasahan
Dahil sa propesiya, ilang siglo nang inaasahan ng mga Hudyo ang tagapagligtas, at ang inaasahan nila ay isang maharlikang hari na papalayain sila at magtatatag ng isang kaharian dito sa lupa. Isipin na lang ang kanilang sorpresa at hindi paniniwala nang sinabi sa kanila na ang kanilang tagapagligtas ay ipinanganak mula sa isang karaniwang pamilya sa isang sabsaban sa Bethlehem, ang pinakamababang lugar sa isang mababang bayan. Ang nakuha ng mga Hudyo ay hindi ayon sa kanilang inaasahan.
Ngunit ang Diyos ay wala sa gawaing pagtugon sa inaasahan. Siya ay nasa gawaing lubusang hinihigitan ang kanilang inaasahan. Si Jesus ay napakalaking halimbawa ng labis na kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ni Jesus, natugunan ng Diyos ang mga pangangailangang hindi alam ng mga Hudyo na mayroon sila. Nagbigay Siya ng higit pa kaysa sa panandaliang kasaganaan ng isang kaharian sa lupa. Itinatag niya ang Kanyang walang hanggang kaharian, nagbigay ng kaligtasan, pinagkasundo ang tao sa tamang relasyon sa Diyos, at nagdala ng pag-asa sa nalalansag na mundo.
Gaano kadalas na inilalagay natin ang ating inaasahan sa Diyos, sa pag-aakalang Siya ay gagawa ayon sa ating oras at plano? Ang kasanayan na ito ay hindi mahusay para sa ating pananampalataya dahil bihirang kumilos ang Diyos ayon sa ating iskedyul, at ang Kanyang mga sagot ay bihirang tumutugma sa ating pananaw.
Kailangan nating maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng paglagay ng ating inaasahan sa Diyos kumpara sa pagtitiwala sa Kanyang plano at laging umaasa na sisiguraduhin Niya na mangyayari ang kaganapan nito sa ating buhay. Ang paglalagay ng ating inaasahan sa Diyos ay maaaring magdulot sa atin ng pagkabigo, pagkabagsak, at sama ng loob kapag ito ay hindi naganap, ngunit ang pagkakaroon ng lubos na pag-asa sa Diyos ay nakakapagpatibay ng ating pananampalataya.
Anong pagnanais ang inilagay ng Diyos sa iyong puso? Ngayong Pasko, manatili sa kaalaman na ang nais ng Diyos ay gumawa ng higit pa sa iyong mga inaasahan. Nais Niya na lampasan ang mga ito. Isapuso ang katotohanan na ang Diyos ay kayang gumawa ng higit pa kaysa sa maaari nating isipin na hilingin sa Kanya. Asahan na ang Diyos ay kikilos, magtiwala sa Kanyang proseso, at masdan ang paglago ng iyong pananampalataya.
Panalangin: Ama, salamat sa paalala na aking angkin kay Jesus na magiliw mong tinutugunan kahit ang mga pangangailangan na hindi ko alam na kailangan ko. Ngayong Pasko, dalangin ko po ang tiwala sa aking ninanais kahit hindi ko pa nakikita. Tulungan mo po ang aking pananampalataya na sa iyong katapatan ay lumago. Salamat sa pagiging Diyos na hinihigitan ang mga inaasahan. Ang Iyong tugon ay laging nasa tamang oras, at ang Iyong plano ay ang pinakamabuti. Mangyari ang Iyong kalooban sa aking buhay!
I-download ang imahe dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More