Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Hindi Malayo ang Diyos
Sa panaginip ni Jose, ipinahayag ng anghel na ang pagsilang ni Jesus ay magiging katuparan ng mga nakalipas na ilang siglong propesiya at tatapusin ang paghihiwalay na nangyari sa Diyos at sa mga tao mula pa sa unang kasalanan sa Hardin ng Eden. Nalaman ni Jose na si Jesus ay magiging "Diyos na kasama natin." Gaano kadali makalimutan ang katotohanang ito!
Nabasa natin sa Exodo, noon pa man at bago pa isilang si Jesus, kailangang hintayin ni Moises na kausapin siya ng Diyos sa taluktok ng isang bundok o sa pamamagitan ng isang nag-aapoy na halamanan. Sa panahong iyon, ang sangkatauhan ay walang tuloy-tuloy na daan tungo sa matalik na relasyon sa Diyos. Minsan, madaling madala sa lumang kaisipan na ito sa pakikipag-usap sa Diyos. Gaano kadalas tayo humihiling ng sarili nating nag-aapoy na halamanan, nagnanais ng isang malinaw, maliwanag na tanda o isang malinaw na salita mula sa Kanya? Kahit na tayong mga Cristiano, nagsisimula tayong maniwala na malayo ang Diyos kapag naramdaman na natin ang paghihintay at paghihintay na makarinig mula sa Kanya.
Kailangan nating tandaan na si Jesus ang tulay na nag-ugnay sa pagitan natin at ng Diyos. Siya ang sagot ng Diyos sa ating pagnanais para sa isang nag-aapoy na halamanan o pakikipag-usap sa Kanya sa taluktok ng bundok. Hindi tayo sumasamba sa isang Diyos na malayo at ayaw makipag-usap sa atin. Ibinalik ni Jesus ang ating kaugnayan sa Kanya at gumawa ng daan para tayo ay araw-araw na makalapit sa Kaniyang trono nang may lakas ng loob.
Ngayong Kapaskuhan, manatili sa kaalaman na ang Diyos ay kasama mo. Naririnig Niya ang iyong mga panalangin, at Siya ay para sa iyo. Kung kaya ng Diyos na pag-ugnayin muli ang nasirang relasyon sa Kanya, isipin kung ano pa ang magagawa Niya at magagawa pa sa ating buhay at para sa atin!
Panalangin: Ama, salamat sa regalo Mo na si Jesus, gumawa Siya ng daan para sa akin upang maging malapit sa Iyo muli. Salamat sa ninais Mong relasyon sa akin at ipinadala Mo ang Iyong bugtong na Anak para mamatay sa aking lugar. Ama, bigyan Mo ako ng lakas-ng-loob na hanapin ka sa panalangin at pagsamba, alam ko na ako ay makakalapit Sayo sa pamamagitan ni Jesus. Salamat sa pagbibigay sa akin ng tiwala na Ikaw ay lagi kong kasama, na kailan man ako ay hindi nag-iisa.
Download ang imahe dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More