Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 14 NG 25

Ang Kapayapaan ng Banal na Hangarin

Ang takot ay may kakayahang pahintuin ka sa iyong takbuhin. Dahil dito, maaari kang tumakbo palayo at magtago. Ibig ni Satanas na guluhin tayo sa pamamagitan ng takot upang hindi natin makita ang kasiguraduhan ng paggabay ng Diyos. Maraming beses na pinilit na ihinto ng takot ang pagsasakatuparan ng Pasko, kaya ang Diyos ay naging intensyonal sa pagpapa-alala nang paulit-ulit sa mga pangunahing tauhan ng Kanyang kuwento na, " Huwag kayong matakot."

Pinapakita sa atin ng Mateo 1:18-21 ang kwento ng Pasko mula sa pananaw ni Jose. Si Maria ay nabuntis bago pa sila maikasal ni Jose, at si Jose bilang "isang taong matuwid na hindi nagnanais na ilagay sa kahihiyan si Maria, ay binalak na hiwalayan si Maria nang palihim." Ngunit isang anghel mula sa Diyos ang nagpakita sa kanya sa isang panaginip, upang tiyakin sa kanya na siya ay pinili upang palakihin ang anak ng Diyos sa mundo.

Sa simula, nang malaman nyang nagdadalang-tao si Maria, sinubukang pangalagaan ni Jose ang pangalan nilang dalawa ni Maria sa takot sa magiging mga kaganapan. Wala siyang paraan upang malaman kung totoo ba ang sinabi ni Maria na siya ay birhen, kaya ninais niyang wakasan ang kanilang ugnayan. Sa gitna ng masakit at nakalilitong panahon na ito para kay Jose, nagpakita ang Diyos sa kanya sa isang panaginip, at hinamon ng kapayapaan ng banal na hangarin ang kanyang takot, at itinakda siya sa isang landas na maging ama sa lupa ng pinakadakilang Tao na nakilala ng mundo.

Sa mga sandali ng ating pagkatakot, nais ng Diyos na sabihin sa atin ang katotohanan at wasakin ang anumang kasinungalingang pumipigil sa atin. Kung ating hahanapin ang Kanyang kapayapaan, tatalunin Niya ang ating mga takot sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig. Hingin mo sa Diyos na mapasaiyo Siya at palitan ng katotohanan ang mga kasinungalingang nagbibigay sa iyo ng pagkabalisa ngayon. Siya ay magiging tapat sa pagtugon at palalakasin ka upang magpatuloy sa malaking plano na inihanda Niya para sa iyo.

Panalangin: Ama, ang iyong Salita ay nagsasabi na hindi Mo kami binigyan ng espiritu ng pagkatakot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili. Salamat sa pagbibigay sa akin ng lahat ng bagay na kailangan ko upang magpatuloy sa panahong hinahadlangan ako ng kaaway. Pinupuri Kita dahil ang takot ay nararapat na lumuhod sa pangalan ni Jesus. Ngayong panahon ng Pasko, at sa tuwi-tuwina, tulungan Mo akong bihagin ang mga takot sa aking isip at dalhin agad ang mga ito sa Iyo upang ang Iyong kapayapaan ang umiral sa aking buhay.

I-download ang larawan para sa araw na itodito.

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/