Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 13 NG 25

Pahalagahan ang Opinyon ng Diyos Higit sa Lahat

Matapos ibunyag ng Diyos ang Kanyang plano para kay Maria upang maging birheng ina ni Jesus, sumagot siya sa pamamagitan ng isang matinding kanta ng pagpupuri. Niluwalhati niya ang Diyos at ang pagpayag Niya na gumamit ng isang hamak na tao upang isakatuparan ang Kanyang dakilang layunin, at pinuri niya ang Diyos para sa Kanyang awa, katapatan, at kapangyarihan na tuparin ang pangako ng isang Tagapagligtas.

Isa sa mga pinakamakapangyarihang pahayag sa kantang ito ay, "sapagkat nilingap niya akong Kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal!.” Ito ay isang makapangyarihang pagpapahayag ng tiwala sa Diyos, dahil ang tungkulin na itinakda para sa kanya ay malamang na magbibigay sa kanya ng paghuhusga at kahihiyan mula sa halos lahat ng kanyang kakilala. Sino ang maniniwala na si Maria ay isang birhen? Ang sarili niyang kasintahan ay kinailangan ng katiyakan mula sa isang anghel upang maniwala sa kanyang kuwento. Matapos ang dalawang-libong taon, marami pa rin ang kumukuwestiyon sa kanyang pagkabirhen.

Bagamat alam niya na ito ang kahahantungan, itinuon ni Maria ang kanyang pansin sa pagpapala na mapili ng Diyos para sa isang napakaimportanteng layunin. Alam niya na ang mga maniniwala sa kanyang Anak ay maniniwala rin sa Kanya at sa Salita ng Diyos tungkol sa kanyang katapatan. Hindi niya inisip ang paghihirap na maaari niyang kaharapin sa lipunan o mula sa kanyang sariling pamilya. Hindi niya kinailangang ipagtanggol ang sarili niya. Pinili ni Maria na magtiwala sa Diyos kaysa labanan ang pagtawag sa kanya, kahit na ang kapalit nito ay habambuhay na hindi pag-unawa sa kanya. Anuman ang iutos ng Diyos sa iyo upang gawin, huwag mong hayaan na ang anumang maaring pangungutya o panghuhusga ng iba ang pumigil sa iyong pagsunod. Hindi tayo tinawag upang maging maginhawa, tanggapin, at maintindihan lamang. Tayo ay tinawag upang gumawa ng pagkakaiba!

Panalangin: Ama, salamat sa pagpili sa isang hamak na kagaya ko upang gamitin para sa Iyong kapurihan. Inihahayag ko ngayon na gagawin ko ang anumang gusto Mong ipagawa sa akin, kahit ito ay mahirap. Kung ano ang tingin Mong pinakaimportante sa akin. Alam ko na ang mga plano Mo ay hindi mapapantayan ng kahit anong laban na aking kakaharapin sa mundong ito.

I-download ang imahe para sa araw na ito: here

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/