Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 12 NG 25

Ang Kapangyarihan ng Paniniwala

May kapangyarihan sa pagtitiwala natin sa Diyos na hindi lamang ayon sa Kanyang mga salita na ating naririnig, ngunit sa paniniwala sa mga ito. Kung ikaw ay naniniwala na ang sinasabi ng Diyos ay totoo at ang mga plano Niya para sa iyo ang magdadala sa iyo sa pinakamabuting resulta, ang pagtitiwalang iyon ay magbubunga ng kapayapaan at pagpapala. Pagkatapos ng tagpo ni Maria sa anghel at ang pagpapasakop niya sa plano ng Diyos, binisita niya ang kaniyang pinsan na si Elisabet, na siyang himalang nabuntis matapos dumaan sa pagiging baog ng maraming taon. Nang marinig ni Elisabet ang hindi kapani-paniwalang balita ni Maria, napuno siya ng Espirito Santo at inihayag, “Mapalad ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon!"

Naniwala si Maria sa sinabi ng Diyos na siya ang magsisilang sa pinakahihintay na Mesias, at pinagpala siya ng Diyos na magkaroon ng kapayapaan sa panahong maaari siyang mapuno ng pagkabalisa. Siya ay nakatiyak na ang pagsilang ng Tagapagligtas ng mundo—ang kanyang Tagapagligtas—ay hindi matutumbasan ng kahit anong pagsubok na kanyang kakaharapin sa kanyang paglalakbay. Nagtiwala si Maria sa plano ng Diyos at kumilos nang may paniniwala na ang mga pangako ng Diyos ay matutupad sa kanyang buhay.

Habang tayo ay nalalapit sa Kapaskuhan, isipin natin ang hindi kapani-paniwalang resulta ng paniniwala ni Maria: Ang Anak ng Diyos ay isinilang! Ano ang ipinahayag ng Diyos sa iyong buhay na kailangan mong paniwalaan sa kasalukuyan? Magtiwala ka sa Kanyang plano, tanggapin mo ang Kanyang kapayapaan sa paniniwala na alam Niya ang pinakamabuti para sa atin, at umasa ka sa mga pagpapalang parating!

Panalangin: Ama, habang ako ay nakatuon sa pagpapala ng kapanganakan ni Jesus, tulungan mo ako na maging kagaya ni Maria. Tulungan mo ako na lumago ang aking tiwala at pananampalataya sa Iyong mga pangako. Alam ko na ang Iyong mga plano para sa aking buhay ang magdadala sa akin sa pinakamabuting resulta. Tulungan mo ako na makita ang mga lugar sa aking buhay kung saan mayroong kawalan ng pananampalataya, at bigyan mo ako ng pananampalataya na Ikaw ay kumikilos sa paraan na hindi ko nakikita. Pinipili kong maniwala sa Iyo ngayon!

I-download ang imahe para sa araw na ito: here.

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/