Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ano ang Nasa Kabilang Panig ng Iyong "Oo"?
Tila madali itong nagawa ni Maria. Sinabi ni anghel Gabriel na kanyang ipapanganak ang Anak ng Diyos, at agad siyang sumagot at sumuko sa kanyang papel sa plano ng Diyos. Ano ang naisip ni Maria? Wala siyang katiyakan na magiging maginhawa ang resulta nito. Isang birhen na ipinagkasundo upang ikasal, malamang na alam niya kung gaano kahirap ang ipanganak at palakihin si Jesus. Ang tanging katiyakan na natanggap ni Maria at ang Salita ng Diyos, at ito ay naging sapat para siya ay sumagot ng "oo."
Sa 1 Pedro 1, sinabi ni apostol Pedro na sa pamamagitan ng mga pagsubok na ating kinakaharap, ang tunay na pananampalataya natin ay nabubunyag. Madalas hinihingi ng Diyos ang ating pagtitiwala sa pamamagitan ng mga mahihirap, hindi kumportable, at tila imposibleng situwasyon. Ngunit gaano kadalas nga ba tayo tumutugon ng tulad kay Maria? Maaaring madali na hayaang ang pagkuwestiyon natin sa Diyos ang humadlang sa Kanyang gustong gawin sa atin at sa pamamagitan natin. Maaaring gusto nating maging dalisay, ngunit malugod ba tayong pumapayag na sumagot ng "oo" sa Diyos at maglakad sa gitna ng apoy?
Bagamat hindi mapagtanto ni Maria ang nasa kabilang panig ng kanyang tugon sa Diyos, ngunit siya ay nagtiwala sa Kaniya. Ang results, dinala ng Diyos si Jesus sa mundo sa pamamagitan ni Maria, upang alukin tayo ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan at ang buuin ang nawasak nating relasyon sa Diyos.
Tuwing panahon ng Kapaskuhan, pagnilayan natin ang tugon ni Maria sa plano ng Diyos sa kapanganakan ni Jesus. Ano ang hamon na inilagay ng Diyos sa iyong puso? Ito man ay ang pagbuo ng nasirang relasyon o pagpapahayag ng iyong pananampalataya upang lumakad sa ibinigay Niyang layunin para sa iyo, magalak sa kaalaman na sa kabilang panig ng iyong "oo" sa Diyos ay ang isang bunga na mas higit pa sa iyong kayang isipin.
Panalangin: Ama, ako ay nagtitiwala na ang kalooban mo ay perpekto. Dalangin ko na ilagay mo sa aking puso ang Iyong mga hangarin, ihanay mo ang mga pangarap ko sa Iyo. Salamat sa halimbawa na ibinigay mo sa akin sa pamamagitan ni Maria. Nakikiusap ako na ibigay Mo sa akin ang dunong, tapang, at pananampalataya na kailangan ko sa pagtugon ng "oo" sa Iyong mga plano para sa aking buhay.
I-download ang imahe para sa araw na ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More