Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 10 NG 25

Ang Diyos ng Imposible

Sa Lucas 1:34, matapos sabihin ng anghel kay Maria na kanyang ipagbubuntis si Jesus, tinanong niya ito, “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” Ginawa ni Maria ang madalas nating ginagawa tuwing hindi natin maintindihan kung paano magaganap ang mga bagay. Kanyang kinuwestiyon kung paanong ang isang bagay na imposible ay magiging posible.

Ngunit sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. Hindi ba't alam ng lahat na ang kamag-anak mong si Elisabet ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 

Kahit sa magandang panahon ng Kapaskuhan, maaring maging mahirap makita kung paano kumikilos ang Diyos sa ating mga sitwasyon na tila imposible. Ngayon, hayaan nating ang mga himalang ito ang magpaalala sa atin ng kapangyarihan ng Diyos. Isipin mo si Jesus at ang anak ni Elisabet, si Juan Bautista, at kung paano binago ng kanilang kapanganakan ang kurso ng kasaysayan. Kayang gumawa ng Diyos ng napakaraming bagay kumpara sa kaya mong isipin sa gitna ng iyong imposibleng kalagayan. Ibigay mo ang iyong katayuan sa Kanya, at magtiwala ka na Siya ay tapat. Asahan mo ngayon: Ang Diyos ay hindi nabibigo!

Panalangin: Ama, Ikaw ay mabuti! Pinupuri Kita dahil sa Iyong kapangyarihan—walang sinuman ang makakatayo laban sa Iyo! Salamat dahil mayroon kang plano para sa aking buhay, sa pagpapadala ng Iyong anak para sa akin at sa pagbibigay sa akin ng kalakasan upang harapin ang mga sitwasyon na tila imposible. Sa aking pagtitiwala sa Iyong kalakasan at hindi sa aking sarili, tulungan mo ako na makita ang Pasko bilang isang makapangyarihang halimbawa na walang imposible para sa Iyo!

I-download ang imahe ngayong araw: here

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/