Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Inihanda Para sa Layunin
Sa wakas ay oras na upang ang unang pangako ng Diyos ay maisakatuparan. Sandali na lamang at tuluyan nang matatalo ang kasalanan magpasawalang-hanggan, ngunit bago ang lahat, kinailangan munang mailagay ang Tagapagligtas sa sinapupunan ng kanyang ina. Naiisip mo ba kung gaano kagalak ang Diyos sa panahong iyon nang Siya ay magpadala ng isang anghel mula sa langit upang ipahayag ang Kanyang plano kay Maria? Ito ay isang pagkakataon na libo-libong taong pinaghandaan!
Isipin mo si Maria: bata at hamak ngunit pinanigan ng Diyos. Noong ang Diyos ay magpadala ng anghel sa kanyang tabi, kasamang ipinadala sa anghel ang mga salita ng pag-ibig. Ipinaalam ng Diyos sa kanya na siya ang napili at wala siyang dahilan para matakot. Bago pa siya magduda o hayaang ang kawalan ng kapanatagan ay manguna, binigyan ng Diyos si Maria ng kumpiyansa na kailangan niyang sumunod sa layunin ng Diyos sa kanyang buhay.
Sa pagdating ng kapaskuhan, ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ni Maria at pagnilayan ang panahong ito. Isipin kung gaano nakakamangha, o nakakapuspos, ang malaman niya ang hangganan ng layunin na binigay ng Diyos sa kanya. Importanteng maintindihan na habang may layunin ang Diyos para kay Maria, mayroon din Siyang layunin para sa iyo. Katulad ng pagpili ng Diyos kay Maria upang pagkatiwalaan ito ng Kanyang mga plano, pinili ka rin Niya upang pagkatiwalaan ng isang himala! Hingin natin sa Diyos na ipahayag Niya kung ano ang Kanyang layunin sa paglikha sa iyo, at magtiwala na ihahanda ka Niya upang magawa ito.
Panalangin: Ama, salamat sa kaloob mong si Jesus. Salamat at pinili mo ang isang babaeng kagaya ni Maria upang dalhin Siya dito sa mundo. Ginamit Mo si Maria na maging daluyan ng Iyong pinakadakilang himala. Salamat din sa pagbibigay sa akin ng isang banal na layunin. Tulungan mo ako na maging payapa, na hangarin Ka, at na mas makilala ka pa lalo sa panahong ito. Gamitin Mo ang oras na ito upang ipahayag sa akin ang layunin mo sa aking buhay habang ako ay nakatuon sa layunin ng Kapaskuhan.
I-download ang imahe sa araw na ito: here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More