Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 3 NG 12

Ikaw at ako ay kailangang sabihin ito sa sarili natin nang paulit-ulit. Kailangan nating tumingin sa salamin at aminin ito bilang bahagi ng ating gawain sa umaga. Narito ang kailangan nating sabihin: "Hindi ako nagtapos sa biyaya." Nakakatuksong gumawa ng mga pangangatwiran para sa sarili mong pagkamakatuwiran.:

"Hindi naman talaga iyon kahalayan. Lalaki lang akong nasisiyahan sa kagandahan."

"Hindi naman iyon tsismis. Isang napaka-detalyado, napaka-personal na panalangin lang iyon."

"Hindi naman ako nagagalit sa mga anak ko. Kumikilos lang ako bilang isang propeta ng Diyos. 'Ito ang sinasabi ng Panginoon . . .'"

"Hindi ako naghahanap ng pansariling kapangyarihan. Ginagamit ko lang ang ibinigay sa akin ng Diyos na kaloob sa pamumuno."

"Hindi ako isang taong walang puso at kuripot. Sinusubukan ko lang na maging mabuting tagapangasiwa ng ibinigay sa akin ng Diyos."

"Hindi naman talaga ako nagiging palalo. Naisip ko lang na kailangan may nagkokontrol sa usapan."

"Hindi naman talaga iyon kasinungalingan. Isang kakaibang paraan lang iyon ng pagsasalaysay ng katotohanan."

Gusto nating lahat na isiping mas matuwid tayo kaysa sa katotohanan. Hindi natin gustong isipin na kailangan pa rin natin ng mapagsagip na biyaya ng Diyos. At siguradong ayaw din nating harapin ang katotohanang kailangan nating iligtas ang sarili natin mula sa sarili natin mismo! Kapag nakikipagtalo ka para sa sarili mong katuwiran, kapag pinipilit mong itanggi ang maliwanag na katibayan ng iyong kasalanan, hindi mo hinahanap ang kamangha-manghang biyaya na siyang tangi mong pag-asa. Ang biyaya ay kaakit-akit lang sa mga makasalanan. Ang kasaganaan ng kabutihan ng Diyos ay hinahanap lamang ng mga dukha.

Ang espirituwal na pagpapagaling ng Dakilang Manggagamot ay pinararangalan lamang ng mga taong kinikilalang nagdurusa pa rin sila sa espirituwal na sakit ng kasalanan. Napakalungkot kapag pinupuri natin ang Diyos dahil sa Kanyang biyaya kapag Linggo at ikinakaila ang pangangailangan natin para sa biyayang iyon sa ibang mga araw. Harapin mo ang katotohanan ngayon na hindi kailanman mawawala sa iyo ang pangangailangan mo sa biyaya, kahit na gaano kadami pa ang matutunan mo at gaano ka man maging may-gulang, hanggang sa sumakabila ka na at ang mga pakikibaka mo ay tapos na dahil wala na ang kasalanan (tingnan ang Mga Taga-Filipos 3:12-16). Ang paraan upang ipagbunyi ang biyayang malayang ibinibigay sa iyo ng Diyos araw-araw ay sa pamamagitan ng pag-amin kung gaano mo ito kailangan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/