Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw-Araw na Debosyonal ng Pasasalamat ni Paul TrippHalimbawa

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

ARAW 2 NG 12

Ang pagkainggit ay nakatuon sa sarili at mapagmatuwid sa sarili. Isinisingit nito ang sarili sa gitna ng mundo mo. Ginagawa nitong ang lahat ay tungkol sa iyo. Sinasabi nitong marapat sa iyo ang hindi karapat-dapat sa iyo. Ang pagkainggit ay umaasang makatanggap at humihingi. Ang pagkainggit ay nagsasabi sa iyo na ikaw ay isang taong hindi naman ikaw at may karapatan ka sa isang bagay na hindi naman sa iyo. Hindi ipinagdiriwang ng pagkainggit ang biyaya na para sa ibang tao dahil sinasabi nitong mas karapat-dapat ka para rito. Sinasabi ng pagkainggit na kinita mo ang isang bagay na hindi mo kailanman kayang kitain. Ang mundo ng pagkainggit ay hindi maaaring humalo sa mundo ng biyaya kung paanong ang langis ay hindi rin maaaring humalo sa tubig. Ang pagkainggit ay nakakalimutan kung sino ka, nakakalimutan kung sino ang Diyos, at nalilito kung ano ba talaga ang buhay.

Ngunit, matapos ang lahat ng iyan, tayong lahat ay may pakikibaka sa pagkainggit nang kahit papaano, sa anumang paraan, at sa ilang panahon. Naninibugho tayo na nakamit ng ibang tao ang tagumpay na hindi pa natin kailanman natamasa. Ninanais nating ang buhay may-asawa natin ay kasing saya ng sa ating kaibigan sa iglesia. Nagtataka tayo kung bakit pinapasan natin ang trabahong mayroon tayo samantalang ang isang taong iyon ay may kasiya-siyang trabaho. Naiinggit tayo sa maliit na grupong mayroon ang taong iyon, na tila isang mapagmahal na pamayanan. Ninanasa nating makakain nang kasindami ng kinakain ng taong iyon at patuloy na magkaroon ng payat na pangangatawan. Ang matangkad na lalaki ay nagnanais na hindi siya sobrang tangkad at ang maliit na lalaki ay nais sanang may matingnan nang mas mababa kaysa sa kanya. Kinaiinggitan ng kulot na taong iyon ang diretsong buhok at ang taong may diretsong buhok ay naiinggit naman sa mga kulot ang buhok. Naiinggit ang taong matalino sa magaling sa mga laro at ang atleta ay naghahangad ng mas magandang grado sa paaralan.

Ang pagkainggit ay pandaigdigan dahil ganito rin ang kasalanan. Ang pagkainggit ay nag-uugat sa pagkamakasarili ng kasalanan (tingnan ang 2 Mga Taga-Corinto 5:14-15). Ang pagkainggit ay nakatuon sa sarili; dahil ito'y nakatuon sa sarili, ang pakiramdam nito'y may karapatan siya; dahil pakiramdam niya'y may karapatan siya, nanghihingi siya; dahil nanghihingi siya, hinahatulan niya ang kabutihan ng Diyos ayon sa natatanggap na pakiramdam niya'y may karapatan siya; at dahil ganito niya hinahatulan ang Diyos, nagdadala ito sa pagtatanong tungkol sa kabutihan Niya. Dahil tinatanong mo ang kabutihan ng Diyos, hindi ka tatakbo sa Kanya para humingi ng tulong. Ang pagkainggit ay nagiging espirituwal na kapahamakan.

Pinaaalalahanan ka ng biyaya na wala kang karapatan, ngunit hindi ito tumitigil dito—inihaharap nito sa iyo ang katotohanang ang Diyos ay may maluwalhating pagmamahal, magiliw, at mabait, at sobra-sobra ang ibinibigay na hindi natin kailanman makukuha sa sariling paggawa. Pinaaalalahanan din tayo ng biyaya na ang Diyos ay matalino at hindi Siya nagkakamali ng pinadadalhan—ibinibigay Niya ang alam Niyang tiyak na kailangan natin.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Paul Tripp's Daily Thanksgiving Devotional

Ang Araw ng Pasasalamat ay panahon upang alalahanin ang lahat ng mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin. Ngunit kung minsan ang pagkahibang ng panahon ay humahadlang sa atin sa paggugol ng oras upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang maraming mga regalo. Sa nakahihikayat na mga debosyon mula kay Paul David Tripp, ang mga maiikling debosyon na ito ay tatagal lamang ng 5 minuto upang mabasa, ngunit hihimukin kang magnilay sa awa ng Diyos buong araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/