Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa
Isinara Ninyo ang Inyong Puso
Ano ang nagsasanhi sa ating magkasala? Ano ang nagsasanhi sa ating magpakabanal? Anong bahagi natin ang nagpapasimula ng paniniwala? Ano ang nasa loob natin na nagpapasimula ng pagdududa? May iisang bagay lang - ang ating puso.
Kaya't ano ba ang pinakaproblema sa ating pakikipaglaban sa kasalanan at ating kakulangan ng pananampalataya? Sinasabi ni Pablo sa ating sipi sa araw na ito:
“Kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin.”
Sa maikli at tila biglaang komento, tinukoy na ni Pablo ang pinakaibuturan ng lahat - ang puso.
Sa kabanatang ito, namamanhik si Pablo sa mga taga-Corinto na panampalatayanan ang Ebanghelyo. Ginawa na niya ang lahat ng makakayanan niya upang maibahagi ang mabuting balita ni Jesus sa kanila, ngunit mayroon pa ring nagpapatumpik-tumpik sa kanila. Bakit?
Nakasara ang kanilang puso.
Paano natin naisasara ang ating puso? Simple lang talaga. Hindi natin gagawin ang anumang ayaw natin gawin. Gagawin lang natin ang gusto natin.
Hindi ibig sabihin nito na ginagawa lang natin ang gusto o kinikilingan natin. Ang ibig sabihin nito ay ang ginagawa natin ay palaging sumusunod sa nananaig na hangad natin. Kaya't, sa kabuuan ng Biblia, ang Diyos ay pangunahing naghahabol sa ating mga puso.
Nakasara palagi ang ating mga puso. Hindi natin binibigay ng lubos ang ating puso. Iyan ang dahilang nagkakasala tayo. Iyan ang dahilang nagdududa tayo. Iyan ang dahilang nahihirapan tayo sa ating pananampalataya at lakarin.
Kaya't paano natin magagawang magbago? Paano natin gagawing daigin ang kasalanan at mabuhay para sa Diyos? Kailangan nating ibukas ang ating puso.
Ang tanging paraang magagawa natin ito ay sa pamamagitan ng Mabuting Balita. Tanging ang Mabuting Balita ang may taglay na kagandahang makapagbabago ng ating puso at magpapabunga rito ng mga damdaming magsasanhi sa ating mamuhay sa bagong paraan.
Pagbulayan ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa'yo sa pamamagitan ni Cristo. Magalak sa katotohanang ikaw ay pinatawad sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng hindi-matutumbasan-ang-halagang dugo ng Anak ng Diyos. Magsaya sa katotohanang ikaw ay ginawa nang kabahagi ng pamilya ng Diyos sa napakamahal na pinsala ng krus.
Kapag ginawa natin ito, mga bagong pagmamahal ang uusbong sa ating puso. Hindi natin nilalabanan ang kasalanan sa pagpigil ng ating mga kagustuhan at damdamin. Nilalabanan natin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagbubukas ng ating puso. Kailangan nating makaramdam nang higit pa, hindi nang mas kaunti. At ang mga damdaming ito ay kailangang magmula sa Ebanghelyo.
Sa kabuuan ng pag-aaral na ito, makikita natin kung paanong ang lahat ay nag-uugat sa puso. Para sa higit pang impormasyon, iniimbitahan kitang basahin ang aking buong aklat patungkol sa paksang ito: Rewire Your Heart.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong labanan gamit ang iyong puso. Base sa aklat na Rewire Your Heart, itong sampung-araw na sulyap sa ilang pinakamahahalagang bersikulo patungkol sa iyong puso ay makatutulong sa'yong tuklasin kung paanong malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Diyos na baguhin ang iyong puso.
More