Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

ARAW 8 NG 10

Lumang Tipan Kumpara sa Bagong Tipan

Ano ang pagkakaiba ng Lumang Tipan kumpara sa Bagong Tipan? 

Ang una nating kailangang bigyang-pansin ay na ang salitang “tipan” ay nangangahulugan ng “kasunduan.” Kaya't ang totoong tanong ay, ano ang pagkakaiba ng lumang kasunduan at ng bagong kasunduan? 

Ang totoo nito ay maraming pagkakaiba. Ngunit ang malaking pagkakaiba, na tinukoy sa Jeremias 31:31-34, ay ang puso. 

Ang lumang kasunduan ay iyong ibinigay kay Moises at sa bayan ng Israel matapos nilang umalis mula sa Egipto. Ang kasunduang ito ay may lakip na kautusan. Kasama sa kautusang ito ang tanyag na sampung utos. Kung ang Israel ay susunod sa kautusan sila ay papayagang manirahan sa presensya ng Diyos sa isang relasyon sa Kanya. 

Subalit, hindi kailanman tinupad ng Israel ang kasunduan. Palagi nilang binabali ang kautusan ng Diyos. 

Bakit hindi nila matupad ang kasunduan? Dahil ang kautusan ay nasa labas nila. Wala ito sa kanilang kalooban. 

Ang bagong kasunduan ay magiging iba. Isusulat ng Diyos ang mga kautusang lakip ng kasunduan sa mga puso ng mga taong Kanya. Ito'y magiging sa kalooban nila. 

Ang mga kautusang nasa labas ay hindi kayang baguhin ang kalooban. Kinakailangang magkaroon ng pagbabago sa loob upang masunod ang kautusan na nasa labas. 

Palagi nating tinatangkang baguhin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng mga panlabas na impluwensya. Sa pamamagitan ng sari-saring mga tuntunin, proseso, kagawian, at mga restriksiyon, tinatangka nating baguhin ang ating mga gawa. Sinusubukan nating labanan ang kasalanan, maging banal, at ibahin ang ating pag-uugali sa pamamagitan ng mga panlabas na kautusan. Ngunit hindi ito kailanman magtatagumpay. 

Hindi kayang baguhin ng mga kautusan ang ating mga puso. 

Paano ginagamit ng Diyos ang bagong kasunduan na baguhin ang ating mga puso? Tinutupad Niya ang lahat ng mga hinihingi ng kasunduan sa pamamagitan ni Jesus. Si Jesus ay namatay sa ilalim ng sumpa ng kautusan para sa ating mga nagawa at saka naman ibinigay sa atin ang mga pagpapalang lakip ng kasunduan dahil sa Kanyang ginawa. Ginawa Niya ito sa halaga ng Kanyang buhay sa krus. Ang ganyang sakripisyo ay tumitimo sa ating mga puso sa bagong paraan. 

Ngunit hindi lang sa pakikinig sa kuwento ng Ebanghelyo nababago ang ating mga puso. May iba pang kailangang mangyari. Batid natin, ang mga Israelita ay inilgtas mula sa Egipto ngunit nanatiling matitigas ang kanilang mga puso sa Diyos.  

May kailangang mangyari sa kalooban natin. Iyan ang dahilang ibinibigay ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo. Binabago ng Espiritu ang ating mga puso upang tunay nating mapaniwalaan ang ebanghelyo, masiyahan sa ebanghelyo, at tumugon sa Diyos dahil sa Ebanghelyo. 

Ang pagkakaiba ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan ay na ang bagong kasunduan ay nagbabago sa ating mga puso, upang sa wakas ay magawa nating malayang makasunod sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong labanan gamit ang iyong puso. Base sa aklat na Rewire Your Heart, itong sampung-araw na sulyap sa ilang pinakamahahalagang bersikulo patungkol sa iyong puso ay makatutulong sa'yong tuklasin kung paanong malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Diyos na baguhin ang iyong puso.

More

Nais naming pasalamatan ang Spoken Gospel para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/2ZjswRT