Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

ARAW 4 NG 10

Ang Kasalanan ay Hindi Nagmumula sa Tukso

Lumaki ako sa kaisipang ang kasalanan ay nagmumula sa tukso. Sa anumang araw, mayroon akong ginagawa at bigla na lang darating ang tukso: may magandang babaeng daraan, magbibiro ng kabastusan ang aking kaibigan, isang kopya ng pagsusulit para sa susunod na linggo ang babagsak sa aking mga kamay. Tungkulin ko, agad at doon mismo, na labanan ang tukso sa pamamagitan ng pagtanggi rito at pagtakbo papalayo. Tukso ang kaaway. Ang kabiguan ay katumbas ng kasalanan.

Ngunit ang problema ay hindi ang tukso. Ang totoong problema ay nasa puso kung saan naroroon ang ating mga pagnanasa. 

Ang tukso ay hindi maaaring umiral sa dakong hindi muna umiiral ang pagnanasa. Hindi ka matutuksong gawin ang isang bagay na hindi mo muna ninanais.

Itinuturo ng Biblia na pagnanasa ang nagdadala ng tukso. “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa. Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan” (1:14–15). Kailan nangyayari ang tukso? Kapag naakit at natangay na tayo sa sariling nasa. Hindi tukso ang gumagawa ng mga pagnanasa, bagkus pagnanasa ang gumagawa ng mga tukso.

Ang tukso ay hindi maaaring umiral sa dakong hindi muna umiiral ang pagnanasa. Hindi kita matutuksong kumain ng semento, malibang mayroon ka nang pagnanais na kumain ng semento. Dahil alam mong ang pagkain ng semento ay hindi lang hindi kanais-nais kundi makapipinsala rin sa iyong katawan, hindi kailanman magtatagumpay ang tuksong ito. Sa katunayan, ang tawagin itong tukso ay isang maling pangalan. Hindi mo maaaring tawaging tukso ang isang bagay na hindi nakatutukso ni kaunti man. Para umiral ang tukso, kailangang maunang umiral ang pagnanasa.

Ang tanging magagawa ng tukso ay ipakita ang oportunidad na bigyang daan ang nariyan nang mga pagnanasa. Isipin na lang ang madalas na panunuya ng mga manunukso, “Alam mong gusto mo.” Itinatanghal ng tukso ang bagay na pinagnanasaan natin at sinusubukan itong gawing mas kanais-nais pa.

Tanging kapag tumuon na tayo sa ating mga pagnanasang panloob imbes na sa ating mga tuksong panlabas natin malalabanan sa mas malalim na antas ang kasalanan. Tanging kapag siniyasat natin ang gusto natin, hindi lang ang ginagawa natin, tayo makalalapit sa dakong tunay na pinangyayarihan ng laban sa kasalanan. 

At paano nangyayari ang pagbabagong ito sa mas malalim na antas? Paano nababago ang mga pagnanasa ng ating mga puso? Tulad ng nakikita natin sa pag-aaral na ito, ang tanging paraang mababago ang puso ay sa pamamagitan ng Ebanghelyo. Tamasahin si Jesus, at babaguhin Niya ang iyong puso. 

Tanging ang Diyos ang makagagawa ng pagbabagong ito. Kaya't maaari nating sundin ang sinabi ni Santiago sa kanyang liham, “Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo” (4:8). 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong labanan gamit ang iyong puso. Base sa aklat na Rewire Your Heart, itong sampung-araw na sulyap sa ilang pinakamahahalagang bersikulo patungkol sa iyong puso ay makatutulong sa'yong tuklasin kung paanong malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Diyos na baguhin ang iyong puso.

More

Nais naming pasalamatan ang Spoken Gospel para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/2ZjswRT