Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa
Ang Lahat ay Nagmumula sa Puso
Ang lahat ng ginagawa natin ay nagmumula sa puso.
Isa sa paraang malinaw at maikling ipinahihiwatig ng Biblia ang katotohanang ito ay makikita sa Mga Kawikaan 4:23. Ang ideyang ito ay maaaring ipahiwatig nang lubos linaw at ikli dahil laman nito ang dalawang metapora. Ang unang metapora ay pamilyar sa atin - ang iyong puso.
Sa isip ng manunulat ng Mga Kawikaan at kanyang mga orihinal na tagapakinig, ang puso ang sentro ng isang tao. Ang puso ay sumasaklaw sa mga kaisipan, hangarin, budhi at higit pa.
Ang ikalawang metapora ay hindi rin mahirap maunawaan. Pinagsasama nito ang dalawang salita sa orihinal na wikang Hebreo. Ang unang salita ay nagpapahiwatig ng ideyang lugar na pinagmumulan ng mga bagay: kanilang pinanggagalingan, puntong pinagmumulan, o ang lugar kung mula saan sila dumadaloy. Ang ikalawang salita ay nagpapahiwatig ng buhay. Kaya't ang metapora ay mistulang isang bukal ng buhay o ang dakong pinagdadaluyan ng lahat ng buhay.
Pagsamahin ang dalawang imahe at ang resulta ay isang larawan ng buhay na dumadaloy mula sa puntong pinagmumulan na ang puso.
Ayon sa bersikulong ito, ang ating mga minamahal at kinapopootan, mga inklinasyon at damdamin, ating mga pagnanais at emosyon ang nag-uudyok sa lahat nating ginagawa.
Base sa katotohanang ito, nagsusumamo sa atin ang manunulat ng Mga Kawikaan na ingatan ang ating mga puso. Paano natin iyan gagawin? Sa konteksto ng aklat na ito, simple ang sagot: hanapin ang karunungan.
Ang aklat ng Mga Kawikaan ay puno ng mga tagubilin ng mga bagay na dapat layuan at mga bagay na dapat sikaping mahanap. Ngunit higit sa lahat, kailangan nating punahin, na ang “karunungan” sa Mga Kawikaan ay isang babae. Siya ay isang taong sinisikap nating mahanap at lumalapit sa atin.
Matagal nang sinasabi ng mga eskolar ng Biblia na si Jesus ang pangwakas na personipikasyon ng babaeng karunungan. Siya ang naghahayag ng Diyos sa atin. Siya ang nagbabago ng ating mga puso sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Siya ang Salita ng Diyos na lumalapit sa atin. Siya ang mukha ng Diyos na hinahanap natin.
Paanong ingatang mabuti at alagaan ang ating mga puso? Hanapin natin si Jesus. Magalak tayo sa katotohanan ng Ebanghelyo. Pagbulayan natin ang kaloob na krus. Magalak tayo sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay. Makinig tayo sa mga araling nagmula sa Kanyang mga labi. Sundin natin ang tinig ng Kanyang Espiritu. Manabik tayo sa pagbabalik ng Kanyang ganap at pangwakas ng presensya.
Ang lahat ng ginagawa mo ay nagmumula sa puso. Nais mong baguhin ang ginagawa mo? Sikaping mahanap si Jesus at iingatang mabuti at aalagaan Niya ang iyong puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong labanan gamit ang iyong puso. Base sa aklat na Rewire Your Heart, itong sampung-araw na sulyap sa ilang pinakamahahalagang bersikulo patungkol sa iyong puso ay makatutulong sa'yong tuklasin kung paanong malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Diyos na baguhin ang iyong puso.
More