Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Baguhin ang Iyong Puso: 10 Araw Para Labanan ang KasalananHalimbawa

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

ARAW 2 NG 10

Ang Maling Paraan ng Pakikipaglaban sa Kasalanan

Kung nais mong tigilan ang paggawa ng isang kasalanan, ano ang gagawin mo? 

Sisikapin mo bang pagkaitan ang sarili ng isang bagay, lumayo sa nakatutuksong mga sitwasyon, o subukang ituon ang iyong atensyon sa mga gawaing hindi nakasasama? 

Maaaring alam mo na ito dahil nasubukan mo na, ngunit wala ni isa sa mga pamamaraang ito ang kailanma'y magtatagumpay. Hindi mo kayang pagkaitan ang iyong sarili, hindi pansinin ang iyong mga kagustuhan, o bugbugin ang sarili para sumunod. Bakit? Dahil ang iyong isip at kalooban ay hindi sentro ng iyong proseso ng pagdedesisyon. Ito ay iyong puso. Kung hindi mo mahal ang isang bagay hindi mo ito gagawin. Kung hindi mo kinapopootan ang isang bagay hindi mo ito lulubayan. 

Ngunit sa napakaraming aklat na patungkol sa pagtulong sa sarili at pati mga sermon ngayon, ipinapangaral ng mga tao itong estratehiyang ito. Palaging may bagong “karunungan” patungkol sa paano tigilan ang masasamang kagawian at pasimulan ang mabubuti. Ang marami sa mga ito ay tinatrato ang kasalanan na tila diyeta. Gutumin ang masama. Pakainin ang mabuti. Ngunit hindi ganito kumilos ang kasalanan. 

Sa ating sipi sa araw na ito, pinabubulaanan ni Pablo ang mga tulad na pang-relihiyong taktika ng kanyang panahon. Tinutulungan niya ang kanyang mga tagapakinig na labanan ang mga hilig ng laman (Mga Taga-Colosas 2:23) at kamunduhan (3:5).Bago niya sila sabihan kung paano gawin ito, sinasabihan muna niya sila kung paanong hindi gawin ito.

Sinasabi ng mga tao noong panahon ni Pablo na ang tamang paraang tanggalin ang kasalanan ay sa pagkakait. “Huwag hahawak nito, huwag titikim niyan, huwag gagalawin iyon” (2:21). Nagbuo sila ng isang gawa-ng-taong relihiyon na nauukol sa pagkakait sa sarili ng mga pangunahing pangangailangan - “asetisismo” (2:23) - at pagsusugat sa sarili- “pagpapahirap sa sariling katawan” (2:23). Ang paraan nilang labanan ang kasalanan ay sa pagpapahirap sa sarili at pagpaparusa kung hindi mo magawa ang nauna. 

Ito ay labis na bersiyon ng ginagawa natin. Halimbawa, kung ang isang tao ay nahihirapang umiwas sa pornograpiya, maaaring pagkaitan niya ang sarili ng internet at teknolohiya. At kapag nabigo sila rito, papatawan nila ang sarili ng damdaming lubog sila sa kasalanan at kahihiyan. Ang problema rito'y hindi mababago ng pagkakait ang puso tulad nang hindi mababago ng pagkakait ng pagkain ang pagkagutom.

Maaaring parang hindi tama ito sa iyong pandinig. Maaaring ito ang alam mong tamang paraan ng pakikipaglaban sa kasalanan. Hindi kataka-takang sabihin ni Pablo ang “Sa biglang tingin, tila nga makakabuti ang ganoong uri ng pagsamba” (2:23). Subalit, hindi ito kailanman magtatagumpay. Ang mga tulad na taktikang panlaban sa kasalanan “ay hindi nakakapigil sa hilig ng laman” (2:23). 

Kaya't kung hindi ganyan ang makipaglaban sa kasalanan, paano natindapatlabanan ang kasalanan? 

Na kay Pablo ang ating kasagutan. “Pagtuunan ninyo ng isip ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo” (3:1-2). 

Paano natin lalaban ang kasalanan? Si Cristo ang isaisip. Hindi mo mababago ang iyong puso sa pamamagitan ng pagtanggi sa iyong mga kagustuhan. Ngunit mababago mo ang iyong puso sa pamamagitan ng pagsasaisip kay Cristo. 

Kapag pinaalalahanan mo ang iyong sarili na ikaw ay “binuhay muli na kasama ni Cristo” (3:1), ang puso mo ay napupuspos ng mga dakilang damdamin. Ang mga damdaming ito ang makapagbabago sa iyong puso sa paraang hindi kailan magagawa ng pagkakait. Ang pagsasaisip kay Cristo at sa Kanyang Ebanghelyo ang papatay ng kasalanan sa iyong buhay.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Rewire Your Heart: 10 Days To Fight Sin

Maraming Cristiano ang naniniwalang ang tanging paraang mapagtagumpayan ang kasalanan ay ang magngitngit at daigin ang tukso. Ngunit hindi mo malalabanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong isip; kailangan mo itong lab...

More

Nais naming pasalamatan ang Spoken Gospel para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/2ZjswRT

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya