Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
PAG-ASA AT SANGGALANG
Mga Awit 84:11
O Diyos, Ikaw ang aking Pag-asa at Sanggalang.Ang Iyong makinang na liwanag ay nagdudulot ng kalinawan at kadalisayan, habang ang Iyong mapagkalingang kamay ay patuloy na nagbabantay at gumagabay. Hayaan Mong marinig kitang mangusap sa aking kaluluwa sa bawat umaga nang, "Gumising ka, ikaw na natutulog, at bumangon ka mula sa kamatayan, at si Cristo ay magliliwanag sa iyo."O Diyos, kung paanong ang araw ay makapangyarihang sumisikat sa ibabaw ng mga kabundukan, halika, magliwanag Ka, at mabuhay Ka sa akin!Pagliwanagin Mo ang Iyong mukha sa Iyong lingkod; iligtas Mo ako sa Iyong kagandahang-loob. Patuloy Mong ibaling ang Iyong mukha sa akin, O Diyos, ang buhay na Diyos. Tulungan Mo akong naisin ang init at ang katiwasayang tanging sa Iyo matatagpuan. Oo, Ikaw ang aking Pag-asa at Sanggalang. May pananabik ako sa paghihintay nang may pasasalamat sa Iyong banayad na awa, na tunay ngang hindi natatapos at sa Iyong kahabagang hindi nabibigo. Ito ay sariwa sa bawat umaga. Dakila ang Iyong katapatan.
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More