Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
DIYOS NG AWA
Lucas 15:20
O Diyos, Ikaw ang Diyos ng Awa! Alam Mo ang kalagayan ng puso ng tao: na ito ay mas mapanlinlang sa lahat at ito ay totoong masama; sino ang makakaunawa dito? Ikaw, O Diyos, nakikita Mo kami, at iniligtas Mo kami! Nagagalak ako! Ikaw ay mayaman sa awa, at dahil sa Iyong dakilang pag-ibig na ako ay Iyong minahal, kahit patay na ako sa aking mga pagsalangsang, ginawa Mo akong buhay na kasama ni Cristo! ... dahil sa biyaya ako ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya! Hindi ko maisip na ako ay nagtamo ng biyaya sa Iyong paningin; at Ikaw, aking Hari, pinahawak Mo sa akin ang Iyong setro! Anong uri ng pagmamahal ito ?! Nais kong ang buhay ko ay maging buhay ng pasasalamat dahil sa Iyong dakilang awa at kabutihang loob. Hilahin Mo ako nang palapit, O Diyos, sapagkat ako ay madaling lumayo. Siyasatin Mo ako, at kilalanin Mo ang aking puso; subukan Mo ako at alamin ang aking mga pagkabalisa; at tingnan kung mayroon akong gawing nakakapanakit, at patnubayan ako sa daan ng walang hanggan. Salamat sa Iyong patuloy na pagyakap. Sa Iyong mga bisig, aawit ako tungkol sa Iyong malumanay na awa magpakailanman!
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More