Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

The Heartbeat of God

ARAW 17 NG 30

TAGAPAGLAAN

Genesis 22: 8

O Diyos, Ikaw ang Tagapaglaan. Magiliw Mong itinalaga ang tupa sa palumpong, sa Iyong oras at sa Iyong paraan! Patawarin Mo ako kapag tinatanong ko ang Iyong tiyempo at pinagdududahan ko ang Iyong mga paraan. Ipaalala Mo sa akin na Ikaw ang dahilan kung bakit ang lahat ng bagay ay naisasaayos para sa kabutihan ng mga nagmamahal sa Iyo at tinawag alinsunod sa Iyong layunin. O Diyos, minamahal Kita! At nais kong matupad ang Iyong mga kagustuhan sa aking buhay. Kaya habang matiyaga akong naghihintay, sabik din akong mag-aabang. At sa ganitong tahimik na lugar ng pagtitiwala sa Iyo lamang, aalalahanin ko ang Iyong pagkakaloob sa amin ng Iyong bugtong na Anak, ang isinakripisiyong tupa. O Jesus, Ikaw ang "tupa sa palumpong! Salamat sa Iyo, kalugod-lugod na Tagapagligtas, sa pagkuha Mo ng lugar ko sa altar. Ipinagkaloob Mo ang kaligtasan ng aking kaluluwa! O Diyos, pinupuri Kita; ang aking pananampalataya ay pinalakas: kung hindi Mo ipinagkait ang Iyong sariling Anak, kundi ibinigay Mo Siya para sa aming lahat, papaanong hindi Mo rin maibibigay kasama Niya ang lahat ng bagay para sa amin? Oo, ibibigay Mo ang lahat ng aking mga pangangailangan, sa Iyong perpektong panahon at sa Iyong walang kamaliang mga paraan! Kaya, aking kaluluwa, maghintay nang tahimik para sa Diyos lamang, sapagkat ang aking pag-asa ay mula sa Kanya. Salamat, Ama, ngayon pa lamang, para sa Iyong magagandang probisyon para sa bawat pangangailangan ko.

© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

The Heartbeat of God

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan si Chris Baxter sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.respitefortheweary.com