Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

KAPAYAPAAN
Juan14:27
O Diyos, Ikaw ay Kapayapaan. Araw-araw kitang kailangan upang mabuhay sa aking kaluluwa. Paulit-ulit, pinapayapa Mo ang puso kong nakikipagbuno. Sa pamamagitan ng ipinakong kamay ni Cristo, binibigyan Mo ako ng katahimikan! Mahal na Jesus, kapag ang aking puso ay nagsisimulang mabagabag o matakot, tulungan Mo akong alalahanin at tumugon sa Iyong magandang paanyaya ng "Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na pagod at nabibigatang lubha, at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan." Tulungan Mo ako, na araw-araw ay alisin ang aking mga alalahanin sa aking mga balikat at piliin na sundin ang Iyong tinig, "Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan." O Diyos, nais kong matuto mula sa Iyo; Gustung-gusto ko ang Iyong malumanay na mga salita at hinahanap-hanap ko ang Iyong mababang mga paraan! Heto na naman ang mga balisang naiisip ko. Tulungan Mo ako ngayon na piliing ipanalangin ang lahat ng bagay nang may pasasalamat upang matamo ko ang Iyong kapayapaan na higit sa lahat ng pang-unawa! Mahal kita, O Diyos ng Kapayapaan. Halika O Diyos, at buuin at patahimikin ang aking kaluluwa. Gawin Mo akong tulad ng isang batang nakahilig sa dibdib ng kanyang ina. Oo, gawin mo ang aking kaluluwa na parang isang batang hindi na naghahangad ng gatas sa kaloob-looban ko.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John Piper

Mga Pakikipag-usap sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

Tagumpay Sa Kabila Ng Kahinaan

Krus at Korona

Kamusta Ang Iyong Kaluluwa

Hindi inaakala

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Nagsasalita Siya Sa Atin
