Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
TUBIG NG BUHAY
Isaias 55:1
O Panginoon! Ikaw ang Tubig ng Buhay! Nauuhaw sa iyo ang aking kaluluwa, ang aking laman sa iyo'y nananabik, gaya ng isang tuyo at lupang uhaw na walang tubig. Walang anumang bagay sa mundong ito ang makakapuno sa mga hinahangad ng puso ko; ginawa Mo ako para mauhaw sa Iyo! Ama kong nasa langit, pinupuri Kita! Nangako Kang Ikaw mismo ang sasagot sa mganagdurusa at nangangailangan, sabi Mo, "Bubuksan Ko ang mga ilog sa matataas na lugar at ang mga bukal sa gitna ng mga lambak, gagawin Kong palanguyan na tubig ang mga kagubatan, at ang mga tuyong lupa'y magiging daluyan ng tubig." O Panginoon, punong-puno ang kaluluwa ko dahil sa Anak Mong si Jesu-Cristo. Siya ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Sa pamamagitan Niya, nagagalak ako sa kasaganahan! Tulungan mo akong araw-araw na tumugon sa Kanyang paanyaya na "Lumapit ka." Tulungan Mo akong araw-araw makinig ng mabuti sa Iyo nang sa ganun ay tunay na mabuhay ako. Salamat sa Iyo, Jesus, sa pangako ng Iyong mga salita ng katotohanan, "Sino man ang uminom sa tubig na ibibigay Ko sa kanya... ay magkakaroon sa loob niya ng balon ng tubig na bumubukal patungo sa buhay na walang hanggan." Jesus, pakinggan Mo araw-araw ang pagsusumamo ng puso ko, "Ibigay Mo sa akin ang tubig na ito!" Muli Kang lumapit sa akin, ngayon, sa araw na ito, punuin Mo ako nang lubusan; punuin Mo ako nang sagana.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More