Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
WATAWAT
Exodus 17:15
O Diyos, Ikaw ang aking watawat! Salamat sa Iyong presensya, salamat sa Iyong kapangyarihan. Wala akong magagawa kung wala Ka; nguni’t maaari kong gawin ang lahat ng bagay sa pamamagitan Mo! Hawakan Mo nang mataas ang Iyong watawat sa akin, O Panginoon; Iangat Mo ang Iyong mukha sa akin, pagliwanagin Mo ito, bigyan Mo ako ng kapayapaan. Inaasam kong gawin ang Iyong kalooban, O Panginoon; Itago Mo ako sa ilalim ng Iyong pakpak. Dito sa lugar na may kasiglahan, ako ay magsasaya sapagkat Ang Iyong watawat sa akin ay pag-ibig! Oo, ang Iyong watawat ay matayog at nakataas upang matanggap ko ang Iyong pag-ibig. Salamat, Jesus, sa krus, sa watawat na itinaas upang aking matitigan. Ang aking mga mata ay nakatuon lamang sa Iyo, aking Tagapagligtas. Sa pamamagitan Mo, mayayakap ko ang buhay na Iyong inilaan sa akin. Sa Iyo bilang aking lakas ng loob, ipaglalaban ko nang puspusan ang pananampalataya; at sa pamamagitan ng Iyong kalakasan na nasa sa akin, mapagtatagumpayan ko ang labanan! Mapagtatagumpayan ko nang labis ang lahat sa pamamagitan Mo, na siyang nagmamahal sa akin. Panginoon, Ikaw ang aking kaligtasan; Ikaw ang aking tagumpay; Ikaw ang aking watawat.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More