Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
KAGALAKAN
Mga Awit 16:11
O Diyos, Ikaw ang aking Kagalakan! Pinupuno Mo ang aking puso ng pagtawa; pinupuno mo ang aking kaluluwa ng awit. Salamat sa pagdating upang ako ay maaaring magkaroon ng buhay na masagana. At salamat sa pakikipag-usap sa akin sa pamamagitan ng Iyong Banal na Salita upang ang iyong kagalakan ay mapasaakin, at ang kagalakang iyon ay malubos.O Diyos, tulungan Mo akong sa Iyo lamang makuntento! Salamat sa Iyong labis na kasaganaan, Nagagalak ako sa Iyo; kung iisipin, nagagalak ka sa akin...napakahalaga ng Iyong mga iniisip sa akin, O Diyos! Gaano kalawak ang kabuuan nito...Kahit na hindi Kita nakikita, minamahal Kita, at naniniwala ako sa Iyo; at lubos akong nagdiriwang nang may di-maipahayag na kagalakan! Nag-uumapaw ako dahil sa pagmamahal Mo, at isang bukal ng papuri ang dumadaloy sa aking puso. Kalugod-lugod na Tagapagligtas, wala Kang katulad! Pagkat Ikaw ang laging tumutulong sa akin. At sa anino ng Iyong mga pakpak ay aawit ako ng kagalakan. Oo, nabubuhay at nagmamahal ako dahil sa Iyo.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More