Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
PAG-IBIG
I Juan 4:8
O Diyos, Ikaw ang Pag-ibig; at sinasamba Kita sa lahat ng Iyong katangian!Salamat sa Iyong pasensya at kabaitan na ipinapakita Mo sa akin araw-araw. Salamat sa hindi Mo pamamahala mula sa pantaong pagseselos o pagmamataas,kundi mula sa dalisay na pusong nagnanais ng lahat ng para sa akin. Salamat sahindi Mo pagkilos nang walang kabuluhan o paghahanap ng para sa Iyong sarili;sa halip, hinanap Mo ang krus para sa akin. Doon, salamat athindi Ka nagalitat sa hindi mo pinansin ang isang maling pagdurusa;sa halip, pinili Mong magpakaapi at magpakahirap, gayon man ay hindi Ka nagsalita.Ang Iyong matatag na katahimikan ang nagdala ng matamis na kaligtasan sa aking kaluluwa! O Diyos, pinasasalamatan Kita! Ang Iyong pagmamahal ay hindinagagalak sa kalikuan, kundi nagagalak sa katotohanan. Ang Iyong pagmamahal ay nagdadala ng lahat ng bagay, naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagtitiis sa lahat ng bagay. Ang Iyong pagmamahal ay hindi nabibigo.Salamat, Jesus! Ito ang pagmamahal na Iyong ipinakita, at tapat na patuloy Mong ipinapakita sa akin, kahit sa aking mga kasalanan. Binili ako ng Iyong pagmamahal; pinatawad ako ng Iyong pagmamahal; tinubos ako ng Iyong pagmamahal; O Diyos ang Iyong pagmamahal ang nagpapalakas sa akin! Araw-araw, nawa ay gawin Mo ang puso kong kontrolado ng Iyong pagmamahalupang mabihag ko ang iba pa na nananabik sa Iyong nakakabagong-buhay na paghawak. Hayaan Mong gumana ang aking puso mula sa nakakahimok na katotohanan:Mahal Kita dahil una Mo akong minahal!
(Sa bawat araw sa loob ng 30 na araw ng debosyon naAng Tibok ng Puso ng Diyos, ang mga italicized na mga salita at parte ng Banal na Kasulatan na hango mula sa NASB. Ang mga sanggunian, na nakalista sa reference tab, ay nasa pagkakasunod-sunod sa devotional prayer.)
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More