Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
PANGINOON NG MGA HUKBO
Mga Awit 24:10
O Diyos, Ikaw ang Panginoon ng mga Hukbo, Kapitan ng mga hukbo ng Anghel! Makalangit at Banal na Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya, pinipili kong maniwala sa Iyo- gayundin sa lahat ng bagay na "sa Iyo" - mga bagay na hindi nakita ng mata at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao; Naniniwala ako sa lahat ng inihanda Mo para sa mga nagmamahal sa Iyo! Ang Iyong mga anghel ay bahagi ng Iyong banal na kaharian, nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap; O Diyos ng Langit at Lupa, ang iyong mga misteryo ay kahanga-hanga sa akin! Hindi ko nakikita ang mga makalangit na nilalang o ang kanilang mga karong apoy, ngunit alam kong iniuutos Mo sa Iyong mga anghel na palibutan ang lahat ng mga gumagalang sa Iyong pangalan. At hindi ko nararamdaman ang mga pakpak ng mga anghel na nakapalibot sa akin, ngunit naniniwala ako na binigyan Mo sila ng utos na bantayan ako sa lahat ng aking mga lakad. Hindi ko rin naririnig ang kanilang walang kapantay na himig, ngunit alam ko, O Panginoon ng mga hukbo, buong araw silang sumasamba sa Iyo. Pakinggan ang puso kong umaawit,"Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan! Ikaw ay karapat-dapat sa lahat ng papuri!Purihin ang Diyos! Purihin ang Panginoon mula sa langit; purihin Siya sa kaitaasan! Purihin Siya lahat ng Kanyang mga anghel; purihin Siya ng lahat ng Kanyang hukbo!" Oo, hangga't may hininga ako, pupurihin ko rin ang Panginoon!
© Chris Baxter 2014 - Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More