Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
TAGAPAYO
Mga Awit 32:8
O Diyos, Ikaw ang matalinong Tagapayo. Sa bawat araw, kailangan Kita; Ako ay dumadaing sa Iyo; Ako ay nananalig sa Iyo. Tulungan Mo akong hangarin Ka, at hanapin Ka nang buong puso. Salamat sa Iyong mapagkakatiwalaang pangako na makikita Kita.Diyos ng karunungan, alam Mo ang mga plano Mo para sa akin, mga plano para sa aking kapakanan at hindi para sa aking kapahamakan, upang ako ay mabigyan ng magandang kinabukasan at pag-asa.Salamat sa katotohanang ito, O Diyos. Bigyan Mo ako ng isang pusong naghahangad sa Iyo, at sa Iyo lamang. Ipabatid Mo sa akin ang Iyong mga pamamaraan, O Panginoon; Ituro Mo sa akin ang Iyong mga landas. Patnubayan Mo ako sa Iyong katotohanan at turuan Mo ako. Sapagka't ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan. Para sa Iyo, naghihintay ako buong araw. Tulungan Mo ako na laging makaalala at sumunod: Salita Mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.Patawarin Mo ako kapag ako ay naghahanap sa iba! Ipinagdarasal ko na gabayan Mo ako papunta sa Iyong liwanag. Sa Iyong salita, kumakapit ako sa Iyong pangako: Sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? Sino ang makapagpapayo sa Kanya? Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo!Ingatan Mo ako sa Iyong salita, O Diyos, upang ang aking pag-iisip at ang aking landas ay sumalamin sa Iyo.
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More